Gov. Vilma Santos-Recto, isinoli ang birthday gift ni Luis Manzano

ADVERTISING

Gov. Vilma Santos-Recto, isinoli ang birthday gift ni Luis Manzano

Luis-Manzano-Vilma-Santos-RectoSIMPLENG BIRTHDAY celebration ang naganap sa kaarawan ni Batangas Governor Vilma Santos last Nov. 2, kung saan nag-dinner silang mag-anak at ilang malalapit na kaibigan.

Ayon kay Luis Manzano, isang diamond set ng jewelry ang birthday gift niya sa inang si Gov. Vilma, who turned 61 last Nov.3. Pero isinauli raw kaagad ni Ate Vi kay Luis ang ring matapos na ito ay isukat dahil kailangan daw baguhin.

“I got her a jewelry set. She put it on right away, the earrings…. Nakakatuwa lang talaga, she gave me the ring back kasi kailangang baguhin ‘yung sukat. But I like to think na nagustuhan niya talaga ang regalo ko,” say ni Luis.

Totoo raw na nag-dinner sila nang araw ng kaarawan ni Ate Vi last Nov. 2 na present lang ang mga malalapit sa birthday celebrant. “Nag-dinner kami, to be more precise, on the second. Kasi nga, trabaho lahat ngayon. Everyone close to my mom were there. Simple dinner lang.”

ADVERTISING

We heard na kasama rin ni Luis sa simple dinner birthday celebration si Angel Locsin na nagregalo ng signature bag sa Star For All Season.

Ayon pa kay Luis, kagagaling lang sa skin allergy ni Gov. Vi at nagpapagaling na raw ito ngayon. “She’s gonna be okay in no time. Siguro bad timing lang, very bad timing. In fact with what happened, she had to move around certain endorsement she was supposed to shoot. Alam ko, they were supposed to do some things regarding the movie with Angel so nausog na naman ‘yon,” tsika pa ni Luis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING