Gov. Vilma Santos, pinahiya ni Kris Aquino?

ADVERTISING

Gov. Vilma Santos, pinahiya ni Kris Aquino?

Vilma-SantosPAMBA-BASH ANG tinaggap ni Gov. Vilma Santos mula sa netizens nang i-post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang padalang ensaymada sa kanya ng Star For All Seasons at ang dedication sa card nito.

Umani ng katakut-takot na pamimintas ang actress-turned-politician dahil sa maling grammar nito na sinulat sa card na iba-iba ang naging reaksyon ng ibang tao.

Para sa iba ay bakit daw pinost pa ni Kris ang nasabing card gayong alam nito na mali-mali ang grammar ni Gov. Vi,  lalo’t kilala ang TV host kung gaano ito kametikuloso pagdating sa grammar ng ibang tao.

May ilang nagsasabi na imposibleng ‘di ito napansin ni Kris at ‘di naisip ang magiging reaksyon ng ibang tao lalo’t matalino itong tao.

ADVERTISING

Agad din namang pinost ng TV host sa kanyang Instagram account ang pagpapalitan nila ng text messages ni Gov. Vi, kung saan tinaggap nito ang lahat sa positibong paraan at tinanggap nang bukal sa kalooban na marami pa talaga siyang dapat na matutuhan. Sa pinost din ng kontrobersyal na TV host, ‘di na niya napansin ang maling grammar dahil mas nagpokus siya sa saya ng regalong natanggap mula sa kanyang iniidolong artista.

Para naman sa iba, hindi na ito dapat palakihin pa dahil normal naman na nagkakamali tayo sa grammar lalo’t Pilipino tayo at hindi naman natin first language ang Ingles. Na unfair naman para kay Gov. Vi ang nangyari dahil ito na nga ang nagmagandang-loob na magpadala ng ensaymada na may kalakip na card ng pasasalamat kay Kris, napahamak pa ito.

Marami ang nagtatanggol kay Gov. Vi, gaya ni Ai-Ai delas Alas na noon pa man ay isa na talagang Vilmanian at si Edu Manzano, isa na sa host ng Face The People at dating asawa ng aktres/pulitiko. Kampante naman si Edu na malalagapasan ito ng dating asawa dahil napakaliit lang nito kumpara sa mga intrigang napagdaanan na ni Gov. Vi at matagumpay naman nitong nalagpasan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING