Gov. Vilma Santos, pinag-iisipang magpahinga muna sa pulitika

Gov. Vilma Santos, pinag-iisipang magpahinga muna sa pulitika

Vilma-SantosMAYROON AKONG naging mahalagang lakad noong Monday sa Kapitolyo ng Batangas, kaya naman kasama ang ilang balik-bayan friends ng Star for all Seasons, nagkaroon din kami ng pagkakataon na makakuwentuhan siya. Medyo payat pa rin sa ngayon si Governor Vi, dahil sa sobra niyang kaabalahan, ganu’n na rin sa pinagdaraanan niyang sakit noong nakaraang taon. Pero okey lang naman daw siya at gusto niya ang pagka-slim niya sa ngayon.

Ako lang ang press na naroon, kaya pinakinggan ko na ang diretsong tanungan at sagutan nina Gov. Vi at ng kanyang mga bisita na pinagbigyan niya rin na makapagtanong bilang kuwentuhan kasabay ang pagpapa-picture kasama siya.  Hindi pa rin sumasagot si Ate Vi kung anong posisyon ba ang tinatarget niya para sa susunod na halalan. Mayroon kasing mga kumukumbinsi na maging Mayor ulit siya ng Lipa City. Basta ang tiyak, ayaw ng mga Batangueno na mawala siya sa Batangas.

“Sa ngayon, iba pa kasi ang laman ng isip ko,” wika ni Ate Vi. “Puwedeng magpahinga muna ako ng isang term. Three years iyon, dahil gusto ko rin namang magpahinga para sa pamilya ko at sa showbiz career ko. Kapag sa October ay nag-file ako na kakandidato, hinto lahat ang trabaho sa showbiz na tatanggapin ko. Kung makagawa ako ng mga pelikula, hindi rin iyon maipalalabas, kaya mabibitin lang ang maraming tao. Kung hindi na ako kakandidato ay puwede ring mag-produce ako, o kaya magkaroon ng teleserye. Nag-iisip pa ako sa ngayon.”

ChorBA!
by Melchor Bautista