Gov. Vilma Santos, nagkasakit dahil sa depression

Gov. Vilma Santos, nagkasakit dahil sa depression

1 Vilma-SantosMATAGAL-TAGAL KO na ring hindi nakita si Gov. Vilma Santos, ha!

Nu’ng nakaraang Reunion of Stars na ginanap sa Sampaguita ay wala siya, at natsismis tuloy na inisnab niya ang naturang malaking event ng mga senior stars.

Mabuti at nagpa-presscon sa kanya si Mothe Lily para sa kanyang Ala Eh Festival sa Batangas, kaya nagkaroon ng panahon si Mama Vi na sagutin ang naturang isyu.

Sabi ng governor ng Batangas, hindi raw niya puwedeng isnabin ang malaking event na ‘yun ni Manay Ichu Maceda dahil pangalawang nanay na raw niya si Manay Ichu.

Nu’ng araw Raw na ‘yun ay schedule ng laser sa ilong niya na kung saan nagka-infection dahil sa insect bite.

Ang hirap daw ‘pag na-laser ‘yun dahil buong araw na hindi raw puwedeng lagyan ng kahit ano, o kahit konting make-up. Kaya hindi talaga siya puwedeng lumabas at baka lumala pa ang infection.

Naipaliwanag daw niya ‘yun kay Manay Ichu at naintindihan naman daw ng nanay-nanayan niya.

Nilinaw na rin tuloy ng Gov. Vi ang isyung madalas niyang pagkakasakit, na labas-masok daw siya sa hospital.

Sabi niya, magmula nu’ng mamatay Raw si Mama Aida Fandialan na talagang pinagkatiwalaan niya nang husto, parang humina raw ang resistensya niya.

Bumalik daw ang ulcers niya, kaya tatlong araw raw siya sa hospital. Itinuloy na rin daw niya iyun sa pa-executive check-up na pinatingnan  niya ang puso niya, nagpa-scan at pina-check na lahat.

Aminado naman siyang parang humina na ang resistensya niya pagkatapos niyang i-celebrate ang kanyang kaarawan. Pabiro nga niyang pahayag, “It’s hard to be 36 and beautiful.”

Kaya tutok na siya ngayon sa kalusugan niya dahil dapat din naman daw na pagtuunan niya ito ng pansin.

Sa ngayon, back in shape na si Gov. Vi at abala siya ngayon sa paghahanda sa nalalapit na Ala Eh Festival niya na sa first week of December na gagawin sa Batangas City. Kasabay na rin daw ito ng 433rd founding anniversary ng naturang lungsod.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis