Gov. Vilma Santos, naaawa kay Ai-Ai delas Alas

ADVERTISING

Gov. Vilma Santos, naaawa kay Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai-delas-Alas-Vilma-SantosTAMA NAMAN ang naging desisyon ng Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos-Recto na huwag masyadong dibdibin ang katatapos na kontrobersiyang kanyang naranasan. Dahil ang patunay niya ay ang limang dekada na niyang itinagal sa showbiz para laging isipin na anumang intriga ang kanyang pagdaanan ay lagi niyang malalampasan. Hayan na nga, napalitan na rin ng iba’t ibang isyu ang tungkol sa naging intriga sa kanya.

Naaaliw na lang daw si Ate Vi sa tuwing magbibisita siya sa maraming lugar sa Batangas, dahil maraming bumabati sa kanya at nagtatanong agad ng “Kumusta na po kayo, Gov?” na ang gustong ipahiwatig ay kung okey lang siya sa mga naging batikos sa kanya. Masaya si Ate Vi sa nasabing pangyayari, dahil maraming nagparamdam ng suporta sa kanya tungkol sa pinagdaaanan niyang pambabatikos.

Naawa rin si Ate Vi sa nangyari kay Ai-Ai delas Alas, na nang dahil sa pagtatanggol sa kanya ay nakaranas din ng pambabatikos at ngayon ay kung anu-anong intriga ang ibinabato sa kanya. Mahal ni Ate Vi si Ai-Ai, dahil ilang ulit na ring humihingi ng payo sa kanya ang sikat na komedyana tungkol sa pagpasok sa pulitika. Saludo ang premyadong aktres kung papaano siya irespeto ni Ai-Ai, kaya matagal na rin ang friendship nila.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING