Gov. Vilma Santos, magdiriwang ng 50 years sa showbiz!

ADVERTISING

 Gov. Vilma Santos, magdiriwang ng 50 years sa showbiz!

 Gov. Vilma Santos, magdiriwang ng 50 years sa showbiz! TO STAY five decades in showbiz is a rare feat. Only a few can endure this long. Showbiz is a cutthroat business. Maaaring sikat ka ngayon nga-yon, pero bukas ay wala nang nakaaalam sa pangalan mo. Sa tagal ko sa industriya, marami na akong nakitang dumating at umalis.

Batangas Governor and Star for All Seasons Ms. Vilma Santos will soon celebrate her golden anniversary in showbiz. Gov. Vi might have her fair share of hits and misses, successes and failures pero hanggang ngayon ay kanya pa rin ang korona at trono.

Gov. Vi started her career as a child star in Trudis Liit kung saan siya nanalo bilang FAMAS Awards Best Child Performer noong 1963. Throughout her illustrious showbiz career ay binigyan niya ng buhay ang iba’t ibang karakter na kanyang ginampanan tulad sa mga pelikulang Lipad Darna Lipad, Burlesk Queen, Relasyon, Broken Marriage, Sister Stella L., Alyas Baby Tsina, Tagos ng Dugo, Pahiram ng Isang Umaga, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, Bata Bata Paano Ka Ginawa, Anak, Dekada ‘70, at In My Life.

Kuwento ni Gov. Vi tungkol sa kanyang nalalapit na anniversary, “Magkakaroon ng book launch. Open po [sa] lahat kung sino man ang gustong maki-celebrate dito sa movie industry kung saan ako lumaki at pinagkaka-utangan ko po ng loob. I will be celebrating it anytime November this year.”

ADVERTISING

Bahagi ng kanyang golden anniversary ay ang pelikula niya na The Healing under Star Cinema. “Tuluy-tuloy na iyong gagawin naming shooting. May mga aaba-ngan silang suspense. Excited ako to do one movie again with Kim Chiu, Pokwang, Janice de Belen [and] directed by Chito Roño.”

Matagal na si Gov. Vi sa industriya at bahagi na ng kanyang buhay ang mga kontrobersiya. Hindi ba’t may mga nagsasabi na sikat na ang isang artista kapag inuulan na siya ng mga intriga? Isa sa mga paboritong itanong ngayon kay Gov. Vi ay ang tungkol kay Luis. Handa na ba siya kung sakaling magpakasal na si Luis sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado?

“Hindi ako [ang] magde-desisyon noon. Ayokong makialam! Mature na iyong anak ko para magdesisyon sa buhay niya. Hindi ko ma-imagine kapag nandoon na siya sa simbahan. Hahagulgol ako pero okay lang. [Kung] saan liligaya ang anak ko, doon ako.” At kung gaano ka-supportive si Gov. Vi kay Luis when it comes to his lovelife ay ganito rin siya pagdating sa career ng kanyang anak. “I heard siya ang magho-host ng Deal or No Deal. He is very serious with his job. I am here, anak, to support you. I will pray for you. I’m proud of you. I love you, Lucky!”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING