Gov. ER Ejercito, lumambot kay Kris Aquino!

ADVERTISING

Gov. ER Ejercito, lumambot kay Kris Aquino!

Gov. ER Ejercito, lumambot kay Kris Aquino!MARAMI ANG nagtataka kung bakit biglang kumabig si Laguna Governor ER Ejercito mula sa kanyang mga maaanghang na pahaging at mga palabang mga pahayag na obviously ay si Presidential Sister at TV host/actress Kris Aquino ang kanyang taong tinutukoy kaugnay sa diumano’y pagsabotahe raw sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at pagkapanalo ni Dingdong Dantes bilang Best Actor para sa pelikulang Segunda Mano.

Kung dati raw ay naghihimutok sa galit ang gobernador, ngayon ay mga complimentary and kind words ang kanyang binabanggit tungkol kay Kris lately. In fact sa kanyang panayam sa isang TV show nitong mga nakaraang araw, tinawag niyang kumare si Kris at fine actor naman si Dingdong, at deserve daw nito ang tinanggap na award.

Bakit kaya all of a sudden, biglang soft and kind words na ang mga pananalita ni Gov. ER? May kumausap ba sa kanya na tigilan na niya si Kris? O, pagpaparamdam na lang ito ng peace offering sa aktres dahil maganda naman ang kinalabasan ng kita sa takilya at humakot pa ng maraming awards ang kanyang pelikula?

Isa pang good news kay ER, isasabak din ang Manila Kingpin sa Cannes Film Festival, Asian Awards, at ilalahok din daw sa Oscar Awards. Wala na ngang dahilan kung bakit mananatili pang ‘bitter’ si Gov. Kung sunud-sunod naman ang blessings niya at maaaring tumakbo pa raw nationwide ang screening ng Manila Kingpin sa loob pa ng dalawang linggo.

ADVERTISING

Ano naman kaya ang reaksyon ni Kris sa latest development na ito? Hindi man lang kasi nag-react si Kris sa lahat ng mga pasaring na ipinukol sa kanya ng kampo ni Gov. ER. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: Sino itong young actor na ito na sumisibol na ang kanyang kasikatan dahil sa kanyang youth-oriented TV show at ilang teleserye at maging pelikula?

In fairness naman daw, sabi ng aking source, marunong naman daw umarte si young actor at mukhang natuto nang mag-emote sa harap ng camera. Super promote nga ang ginagawa sa kanya ng kanyang mother network dahil lately ay kinilala raw ang kanyang acting capability.

Perfect na raw sana itong si young actor dahil guwapo na ay malaki naman ang potential na sumikat. Ang problema nga lang ay huwag lamang siyang papawisan sa set dahil ala- time bomb daw ang amoy ng kanyang kili-kili. In short may putok or body odor si young actor.

Kaya iniiwas daw sa mga roles na papawisan si poging aktor dahil maging ang mga kasamahan niyang mga artista sa show ay hindi kumportable sa kanilang naamoy. Hindi lang daw madiretsang sabihan, kahit ng mga staff, si young actor sa kanyang mala- shawarmang amoy sa kili-kili dahil baka mapahiya ito. Tinitiis na lang daw nila o lumalayo sa kanya kung sumasabog na ang kanyang time bomb sa kili-kili.

Clue? Hmmm…. Ang kanyang namesung ay parang tirahan ng mga relihiyosong tao. ‘Yun na!

Sure Win
By Sherween Eslava

ADVERTISING