Goodbye, Yassi Pressman! Jane de Leon bagong babae ni Coco Martin

AALIS NA sa programang FPJ’s Ang Probinsyano ang sexy actress na si Yassi Pressman pagkatapos ng apat na taon ng pananatili sa programa bilang maybahay ni Cardo na si Alyana.

Taong 2016 nang pumasok si Yassi sa programa. Unlike the other leading ladies like Bela Padilla, Maja Salvador, Yam Concepcion at marami pang iba, si Yassi lang ang tumagal sa programa. Matatandaan na nag-umpisa ng kanyang showbiz career ang dalaga sa GMA-7 bago ito lumipat sa ABS-CBN.

Goodbye, Yassi Pressman! Jane de Leon bagong babae ni Coco Martin
Yassi Pressman and Jane de Leon

Siguradong mamimiss ng mga avid viewes ng FPJ’s Ang Probinsyano ang presence ni Alyana, na gabi-gabi rin nilang nakasanayang mapanood sa primetime. Hindi pa namin matukoy kung may specific reason ba ang pag-alis ni Yassi sa programa, o baka naman may bagong TV show na rin itong gagawin? Sa tagal na nga rin naman ng show ni Coco, puwede naman na rin siguro mag-move on, huh!

Sure naman kami na hindi pababayaan ng Viva Artists Agency ang isa sa kanilang most prized talents. Kailan kaya ipapalabas ang action film niya na Born Ready? O napalabas na ba na hindi namin napansin?

S’yempre, hindi mawawalan ng babae si Cardo. Nope, hindi si Julia Montes ang papasok na natsika na rin for the longest time. Walang iba kundi ang bagong Darna na si Jane de Leon ang sasabak sa longest primetime series ng bansa.

Gaganap si Jane de Leon bilang Police Captain Natalia ‘Lia’ Mante. Maganda rin na dito muna ipasok si Jane bago pa matuloy ang kanyang paglipad bilang Darna, na ang huling balita namin ay itutuloy pa rin ng ABS-CBN bilang isang TV series. At least, magiging familiar na ang Kapamilya viewers kay Jane para magtuloy-tuloy na rin ang kanyang paglipad. Lipad, Darna, Lipad! Pero bago ‘yan, bang-bang-bang muna with Cardo!