GOODBYE, SUPER MAAM: Serye ni Marian Rivera, magtatapos na hindi ramdam ng publiko

ADVERTISING
GOODBYE, SUPER MAAM: Serye ni Marian Rivera, magtatapos na hindi ramdam ng publiko
Marian Rivera

NAKAKALOKA! Magtatapos na pala ngayong gabi ang fantasy series ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera na “Super Maam”.

Parang kailan lang nang mai-feature rito sa Pinoy Parazzi ang palabas na ang complain ng ilan ay hindi nila ramdam na may bagong palabas pala ang supposedly “reyna” ng Kapuso network dahil halos wala kaming mahagilap na marketing o promotion nito. Kung meron man, hindi iyon sapat!

ADVERTISING

Nakakapanghinayang dahil napaka-astig pa man din ng look ni Marian tuwing naka-costume siya. Sino ba naman ang mag-aakalang nasa mid-30’s na ang bida at may very cute little girl na? Petmalu much ang kaseksihan ni Yanyan.

GOODBYE, SUPER MAAM: Serye ni Marian Rivera, magtatapos na hindi ramdam ng publiko
Marian Rivera as Super Ma’am

Sa totoo lang, ang Super Maam na ‘yata ang pinaka-underwhelming na project ni Marian sa GMA-7 knowing na ito pa ang comeback primetime project niya after giving birth. Ni hindi man lang nila ito binigyan ng leading man na makakalevel niya at ang alam namin, si Kim Domingo dapat ang main kontrabida rito, pero parang mas may exposure pa ang ibang supporting cast at sabi ng friend namin na big DongYan fan ay pakonti raw ng pakonti ang exposure ni Kim sa show at hindi raw siya masyadong na-maximize.

Ang mga lulubog-lilitaw na characters na ipinapasok ay very forgettable. Wala man lang nagmarka sa mga televiewers.

ADVERTISING

Big risk ang ginawa ng network na itapat ang Super Maam sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Mukhang tama ang desisyon ni Marian na huwag muna sumalang sa primetime dahil epic fail ang proyekto niya na magtatapos na tonight. Buti na lang at mataas ang rating ng kanyang weekend shows na Tadhana at Sunday PinaSaya. Wish lang din namin na bumalik na si Marian sa paggawa ng pelikula dahil napag-iiwanan na siya ng mga nakasabayan niya.

ADVERTISING