GOODBYE SHOWBIZ NA? Bela Padilla tuluyan nang lumipat sa London

GOODBYE showbiz na nga ba si Bela Padilla?

Ito ang malaking katanungan ng mga fans and followers ng aktres matapos nitong i-tween noong Lunes na she has “moved to London”. Ayon sa kanya, ang paglipat ay naganap ilang buwan na ang nakararaan.

GOODBYE SHOWBIZ NA? Bela Padilla tuluyan nang lumipat sa London
Bela Padilla

“I tried to set my footing first before sharing what it’s really like now. I’m ready to let you in to my life and tell you more about it!” post pa niya. Nangako rin siya na sasagutin lahat ng katanungan ng kanyang fans sa isang vlog.

Ito kaya ang dahilan kung bakit extra emotional ang kanyang bestfriend na si Dani Barretto at tila big deal ito para sa kanyang close friends sa showbiz na sina Kim Chiu at Angelica Panganiban? Sa ngayon ay hindi klaro kung ang ibig bang sabihin nito ay goodbye showbiz for good na si Bela, o baka naman mas bet na niyang ituloy ang karera sa UK para gumawa ng international projects. Puwede rin na mag-iba na ito ng career path at mag-settle na lang sa UK. Dahil konting tambling lang ang UK sa bansa ng kanyang nobyo na si Norman Bay, baka naman may plano na ito mag-settle down at bumuo ng kanyang sariling pamilya?

Sa mga hindi nakakaalam, si Bela Padilla ay half British kaya siguro mas madali para sa kanya na makalipat sa nasabing bansa. May mga larawan na rin na ipinost si Bela kung saan kasama niya ang mga kapatid at mga pamangkin sa kanyang British family.

Maraming well-wishers si Bela sa kanyang major move and that includes her boyfriend Norman Bay at sinabing “I’m just happy I get to see you a lot mmore nowadays.”

Sweet ‘diba? With a boyfriend and a new life chapter in the UK, mapapa-sana all ka na lang talaga!

Previous articleVLOG WATCH: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado’s intimate civil wedding
Next articleKABOG! Bea Alonzo 2022 Tanduay Calendar Girl at 34 years old