GOODBYE KAPUSO! Sunshine Dizon magiging Kapamilya na

Leo Bukas

MAINGAY na nagsi-circulate ang balita ngayon na lilipat na sa Kapamilya network ang award-winning actress na si Sunshine Dizon. Ito ay pagkatapos na hindi na i-renew ng GMA ang kanyang kontrata.

Dalawampu’t limang (25) taon din na naging Kapuso stars si Sunshine bagong maging isang freelancer. At ngayong puwede na siyang magtrabaho sa ibang TV network ay naging malaking posibilidad na gumawa rin siya ng mga TV projects sa ABS-CBN.

GOODBYE KAPUSO! Sunshine Dizon magiging Kapamilya na
Sunshine Dizon

Si Perry Lansigan na manager ni Ivana Alawi na ngayon ay nakakontrata sa ABS-CBN ang manager ni Sunshine. Ibig sabihin, hindi na magiging mahirap ang negosasyon if ever na merong project na i-offer kay Sunshine.

Si Perry din ang manager ni Dingdong Dantes na ilang beses nang nakagawa ng pelikula sa Star Cinema, ang sister company ng ABS-CBN.

Wala pa kaming balita kung exclusive contract ang pinirmahan ni Sunshhine sa Kapamilya network. Ang huli lang naming  narining ay kasama ang aktres  sa story conference ng isang bagong drama series sa ABS-CBN na pagsasamahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na dati ring mga Kapuso stars.

Ang iba pang mga dating Kapuso stars na nagningning ang career nang lumipat sila sa ABS-CBN ay sina Iza Calzado, Angel Locsin, Sarah Lahbati, Ryza Cenon at Regine Velasquez.