GOODBYE, CARYANA: Karakter ni Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano, tsinugi na!

TSINUGI NA ng tuluyan si Alyana, ang karakter na ginagampanan ni Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sa loob ng apat na taon, ginampanan ng Filipina-British actress ang papel bilang Alyana, ang journalist na naging maybahay ni Cardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin.

GOODBYE, CARYANA: Karakter ni Yassi Pressman sa FPJ's Ang Probinsyano, tsinugi na!
Coco Martin and Yassi Pressman

Pumasok si Yassi bilang Alyana sa programa noong 2016 nang umalis sa programa sina Maja Salvador at Bela Padilla, na mga naunang love interests ni Coco Martin sa programa. Sa lahat ng babaeng pumasok sa buhay ni Cardo ay tanging si Alyana lang ang tumagal ng apat na taon. Sa hirap at sa ginhawa, silang dalawa ay magkasangga.

Late last year pa naging usap-usapan ang negative feedback ng mga regular viewers ng show. Hindi nila nagugustuhan ang nagiging takbo ng istorya partikular na kay Alyana, kung saan ‘nagtaksil’ pa ito sa pagpasok ni Lito, na ginagampanan naman ni Richard Gutierrez.

Noong Biyernes ay nabaril pareho sina Cardo at Alyana at hawak-kamay pa sila habang dugu-duguan at nasa bingit ng kamatayan.

Sa recent episode ay kumpirmadong tsinugi na nga si Alyana. Ayon sa mga tsismis, may gagawin diumanong programa si Yassi Pressman sa TV5 na mismong ang VIVA ang magpo-produce. Well, four years is long enough, right?

Heartbroken ang mga fans nina Cardo at Alyana o ‘CarYana’ na naging invested sa love story ng dalawa. Ang bagong Darna na si Jane de Leon ang ‘papalit’ bilang leading lady ni Yassi.

Best of luck to Yassi Pressman on her new project with VIVA. As for Coco Martin, give chance to others naman! Charot!