GOLDEN BOY na si PAPI!

LAST SATURDAY, JANUARY 29, ginanap ang magarbong birthday celebration ng controversial TV host sa Shangri-La Hotel, Makati. Siyempre, in attendance ang who’s who sa local showbiz and politics na malapit sa ‘Papi’ ng Willing Willie.

Mauubos ang espasyo natin kung iisa-isahin natin ang well-wishers ni Willie. Pero ‘eto ang ilan sa present nang gabing mag-singkwenta na ang ‘favorite’ celebrity ng ABS-CBN at TV5:

Hindi puwedeng mawala ang ‘big boss’ ng TV5 na si Manny V. Pangilinan na naispatang exchanging ‘hellos’ with Rufa Mae Quinto and Isabel Oli. Ang Viva big boss na si Vic del Rosario ang nagpakilala sa dalawa kay MVP. Hmmm…

Nandoon din ang first wife ni Willie na si Princess Punzalan, na nakipagbeso-beso pa kay Shalani Soledad, ang rumored ‘apple of the eye’ ng TV host ngayon.

Sina Ruffa Gutierrez at Pops Fernandez ang hosts ng event.

Ibinuking naman ni Rico J. Puno, isa sa performers that night na may ‘gap’ ngayon sina Willie at John Estrada, kaugnay ito ng hindi pagsipot ni John sa Willing Willie  nu’ng Friday dahil balitang magbabalik na ito sa ABS-CBN to host a noontime show with Randy Santiago. Sumama raw ang loob ni Willie kay John dahil ayon na mismo sa TV host, inaayos niya na with MVP ang isang noontime show for John and Randy sa TV5.

At dahil hindi raw nagustuhan ni Willie ang rebelasyon ni Rico J, hindi na rin daw itutuloy ng TV host ang hosting job sana ng singer sa kanyang Wil Productions.

At para sa kasiyahan ng lahat, naki-jam pa sa pagda-drum si Willie sa isang jazz set with Richard Merck

Photos by Luz Candaba

By Eric Borromeo

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleNang Hinarot si Llyodie!
Next articleRyza does the ‘New Rampadora’

No posts to display