Gold agad ang album: Suporta ng fans kay Maymay Entrata, lalong tumitindi!

ADVERTISING

Gold agad ang album: Suporta ng fans kay Maymay Entrata, lalong tumitindi!

Gold agad ang album: Suporta ng fans kay Maymay Entrata, lalong tumitindi!
Maymay Entrata

SOBRANG OVERWHELMED si Maymay Entrata sa ipinakikitang suporta sa kanya ng mga fans lalo na sa paglabas ng kanyang self-titled album mula sa Star Music na nagkaroon ng launching sa SM Skydome recently.

ADVERTISING
In fact, sold out agad ang kanyang album at naka-Gold record agad ito. Ang tindi, di ba?
 
Ayon kay Maymay, hindi niya inakala na mararating niya ang tagumpay na ini-enjoy niya ngayon na nagsimula mula nu’ng manalo siya sa Pinoy Big Brother.
 
“Noon po kasi parang pa char-char lang na kaya ngayon bigla na binigay sa akin tapos malakihan pa kaya masayang masaya po ako, sobra talaga lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga,” sabi pa niya.
 
Magiging bahagi rin si Maymay ng La Luna Sangre at anytime soon ay lalabas na ang karakter niya dito. Ayaw naman munang i-reveal ng dalaga kung ano ang magiging role niya sa KathNiel epic serye.
“Secret po muna,” sey pa niya.
“Pero nag-taping na po kami. Basta ‘wag po sila mag-expect ng kung ano — imortal ba ako kasi baka mag-abang sila basta masaya po ang character ko dito, dagdag niya.
 
Aside sa sold-out album at TV appearances, may pelikula ring pagsasamahan sina Maymay at Edward Bukod sa sold-out album at iba’t ibang TV appearances, nakatakda na din ang unang pelikula na pagsasamahan nina Maymay at Edward Barbers na kanyang ka-loveteam.
 

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING
ADVERTISING