GOING STRONG ANG PAGMAMAHALAN: James Reid and Nadine Lustre, may pasabog sa “Revolution” concert

ADVERTISING

GOING STRONG ANG PAGMAMAHALAN: James Reid and Nadine Lustre, may pasabog sa "Revolution" concert

GOING STRONG ANG PAGMAMAHALAN: James Reid and Nadine Lustre, may pasabog sa "Revolution" concert
Nadine Lustre at James Reid

BAKIT KAMO gusto ko ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre? Straight forward sila. Walang paligoy-ligoy. Hindi tulad ng ibang mga love teams na ang galing magpasakay sa mga fans nila.

ADVERTISING

Madali makausap sa interbyu ang dalawa na di tulad ng ilang mga loveteams ngayon, inuungoy ka pero kamuka’t mukat mo na hindi na virginal ang mga beauties at nakalabing-labing na ang kapareha nila.

Si Nadine. Matured ang pagiisip na tulad sa isyu nila last year (2017) tungkol sa sagot niya sa tanong kung nagli-live in na sila ng boyfie na si James na hindi man diretsahan niya kinumpirma, reading between the lines ay “Yes!” ang tugon ng dalaga.

Si James naman, laking ibang bansa kaya living-in with his partner and having sex is not an issue.

ADVERTISING

Almost two years na pala magkarelasyon sina James at Nadine come February 11 na both ay ipinagmamalaki nila ang kanilang real loveteam at pagmamahalan.

Kaya sa darating na February 9, sort of a celebration nina JADINE ang concert nila na REVOLUTION na gagawin sa Smart Araneta Coliseum. Pangatlong concert na ito ng tambalaan.

Bongga ang line-up of guests sa show ng dalawa with Sarah Geronimo na co-star ni Jmes sa bago niyang pelikula from Viva Films, ang real loveteams na sina Sam Concepcion at Keana Valenciano; Bret Jackson at ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda.

GOING STRONG ANG PAGMAMAHALAN: James Reid and Nadine Lustre, may pasabog sa "Revolution" concert
James Reid and Nadine Lustre for the JADINE REVOLUTION Concert

Sa concert nina JADINE ay excited ako sa bagong revelation ng dalawa tungkol sa kanilangn relasyon. Ït’s a surprise. You must be there, ”sabi ni James na dapat abangan.

Revolution (The Jadine Concert) is directed by Paul Basinillo. Dance Director is Teacher Georcelle. The concert is produced by Viva Love. Tickets available at Ticketnet at 911-55555 or Viva Live at 687-7336

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING