GMA, walang cable signal tuwing oras ng Eat… Bulaga!
SkyCable sa GMA: Maglabas kayo ng matibay na ebidensiya

Sky-Cable-GMA-7“NAKAHANDANG HUMARAP ang SkyCable sa anumang investigation na isasagawa ng NTC.” Ito ang laman ng text message na ipinadala sa amin ng ABS-CBN Corporate Communications Department tungkol sa isyu ng pagrereklamo ng netizens sa madalas diumanong pagkawala ng signal nila tuwing Eat Bulaga timeslot.

Hindi na raw tuloy nila matutukan ang AlDub dahil wala silang signal.

Kaugnay nito, nagsampa na rin ng formal complaint ang GMA-7 sa NTC (National Telecommunications Company) tungkol dito.

Ayon pa sa ipinadalang text message sa amin ng ABS-CBN, “Kapamilya, walang basehan at malisyoso ang ipinapakalat ng GMA-7. Imposibleng mawalan ng signal tuwing timeslot lang ng Eat Bulaga.

“Hinahamon sila ng Sky Cable na maglabas sila ng matibay na ebidensiya. Sa loob ng 25 years, pinahahalagahan ng SkyCable ang kapakanan ng kanilang mga customers.

“Salamat po.”

Ang SkyCable ay pag-aari ng ABS-CBN kaya hindi maiiwasang masangkot sila sa isyu ng magkaribal na TV network.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleKatrina Halili, malabo nang makipagbalikan kay Kris Lawrence
Next articleDennis Trillo, ipinagtanggol ni Direk Joel Lamangan sa pagkakapili sa ‘Felix Manalo’

No posts to display