GMA 7 rules Mega Manila

ADVERTISING

GMA 7 rules Mega Manila

Guess kung sino ang blind item ni Ogie Diaz for today! Click here!

ADVERTISING

ANG CHEAP NU’NG isang guard na nagga-guide sa amin para makalabas kami sa isang parking. Bitbit niya ang kanyang cellphone at bigla ba namang nag-dayalog ng, “Sir, penge namang sex video nina Belo at Hayden!”

Huh? Ano ‘to? Close kami? At feeling niya, handa naming i-bluetooth ang naturang video? Ni hindi man lang niya itinatanong kung meron nga kami no’n. Eh, wala nga kami no’n, ‘no! Hindi pa rin namin ‘yon nakikita, promise.

Kaya sabi na lang namin sa jaguar, este, guwardiya, “Hayaan mo, ‘pag close na tayo, ipapasa ko sa ‘yo ‘yung sa amin ni Hayden!”

ADVERTISING

Sumagot ba naman ng, “‘Ayoko ‘yun, Sir! Kadiri!”

Aba, ang potah, sumasagot, huh! Sagutin ko nga. “Mas kadiri naman kung kayo ni Hayden ang me sex video, ‘no!”

‘Kaasar, huh! Nasira nang bahagya ang day namin, promise! Hahaha! Pero at the end of the day, mapagtatanto mo, “Ang mga tao talaga, ‘no?! Sobrang curious sa mga video na dinirek ni Hayden Kho! Nakalimutan nila pansamantala ang kanilang problema, dahil diyan sa isyung ‘yan.

IN FAIRNESS, ANG GMA-7 ngayon ay talagang ikinararangal nilang ibalita na patuloy silang number one sa Mega-Manila ayon sa survey ng AGB Nielsen. Ibig sabihin ng Mega-Manila, ‘eto ‘yung composed of buong Metro Manila kasama ang Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna at ‘yung mabibiyahe lang by land.

Ang alam din namin, bumitiw na sa AGB Nielsen ang ABS-CBN, kaya naglalabas na rin ng “nationwide” ratings ang TNS na sila nilang kinomisyon at nire-recognize din ng mga advertisers.

Para wala nang away, ibigay na natin sa GMA-7 ang Mega-Manila. Sila ang number one dito. Pero nationwide, ang number one naman ay ang ABS-CBN.

Pero at the end of the day, sino ba ang talagang number one? Hindi ang mga istasyon, kundi ang mga televiewers na silang may hawak ng remote control at sila mismo ang magsasabi kung anong show o channel ang number one sa puso at pamilya nila.

‘Wag n’yong kalilimutang pakinggan ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING