Glydel Mercado, wala nang planong sundan ang 2 anak nila ni Tonton Gutierrez

Glydel Mercado, wala nang planong sundan ang 2 anak nila ni Tonton Gutierrez

Glydel-MercadoNGAYONG GABI na huhusgahan ang seryeng The Rich Man’s Daughter na sana ay para kay Marian Rivera. Isang masuwerteng Rhian Ramos ang pumalit at sana ay hindi nakaapekto ang pagpalit ng bida.

Proven and tested naman na ang director nitong si Dominic Zapata, pinagpistahan naman ang Temptation of Wife at My Husband’s Lover, kaya naman malaki ang tiwala ng GMA 7 sa said project.

Isang award-winning actress nga ng The Rich Man’s Daughter na si Glydel Mercado ang nakausap namin at nasabi niya na kakaibang istorya na naman ang mapanonood gabi-gabi.

“Kabaligtaran ng My Husband’s… kung saan kasama rin ako. Nanay ako rito ni Rhian. ‘Yung sa unang serye, nanay ako ni Carla Abellana,” sey niya. “Sana panoorin n’yo, isa akong ambisyosang nanay rito.”

Napag-alaman namin na 17 years na pala silang magkasama ni Tonton Gutierrrez sa iisang bubong.

“Pero 11 years kasal, ‘yung 6 years wala pang kasal,” sey Glydel.

May plano pa ba silang sundan ang dalawa nilang anak?

“Ako, wala nang plano, kung gusto niya (Tonton), siya ang manganak. Hahaha!”

At tapos na raw ang selos sa kanya.

“Noon siguro. Kilala n’yo naman si Ton nu’ng araw. At mahalaga, nagbago siya, ang laki ng ipinagbago niya,” pahayag niya.

‘Yun na. Mader na mader na talaga si Glydel.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!