Gloria Diaz, bangong-bango kay Zanjoe Marudo

ADVERTISING

Gloria Diaz, bangong-bango kay Zanjoe Marudo

Zanjoe-Marudo-Gloria-DiazKAKAIBANG FEEL-GOOD love story ang mapapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa Lunes (November 24) sa pamamagitan ng latest family drama series na Dream Dad. Bidang-bida ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo at ang bagong Kapamiya child actress na si Jana Agoncillo.

Iikot ang kuwento sa dalawa, si Zanjoe bilang isang binatang sawi sa pag-ibig at ang batang si Jana na naghahanap ng pamilyang magmamahal at tatanggap sa kanya.

Sa presscon ng show, kitang-kita ang pagka-biba ni Jana na napanood sa isang TV commercial na ginagaya ang kanyang lola sa harap ng salamin. Though tahimik lang ito, kapag kinausap mo naman ay mabilis sumagot at laging naka-smile. GustUong-gusto pala talaga niyang mag-artista since nu’ng bata pa siya at mahilig siyang manood ng mga palabas sa ABS-CBN.

Cute na cute naman sa kanya si Zanjoe at magkasundong-magkasundo ang dalawa. Natanong tuloy si Zanjoe kung hudyat ba ng pagkagiliw niya sa bata ay gusto na rIn niyang magkaanak at magka-pamilya?

ADVERTISING

“Busy pa kami pareho ni Bea (Alonzo), busy siya, ang dame pa niyang gagawin at ako Rdin. Siguro ‘pag libre na kami pareho, p’wede NAng pag-usapan iyan,” sagot ni Zanjoe.

Bukod sa guwapo, bangong-bango ang mga co-actors kay Zanjoe lalo na ang first Filipina Miss Universe natin na si Gloria Diaz.

“Importante sa akin ‘yung laging mabango ang katrabaho ko. He smells good at everytime I see him, malayo pa siya, amoy ko na ang bango niya,” sey ni Ms. Gloria na ikinagulat ni Zanjoe.

Kasama rin sa Dream Dad sina Ariel Ureta, Yen Santos (na bukod tanging pinag-usapan ang husay sa Pure Love) Beauty Gonzales, Ketsup Eusebio at ang nagbabalik-Kapamilya na si Maxene Magalona. Magandang kontrabida rito si Maxene kina Beauty at Yen na lahat ay may gusto kay Zanjoe na sinabi namang magkakasundo silang lahat at walang ginawa kundi ang magtsikahan at magtawanan sa set.

Abangan ang Dream Dad sa darating na Lunes.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING