Gloc 9, malaki ang tama kay Lea Salonga

Gloc 9, malaki ang tama kay Lea Salonga

Lea-Salonga-Gloc9BIGGEST CRUSH pala ng award-winning at mahusay na rapper na si Gloc 9 si Lea Salonga. Everytime nga raw na makikita niya ang Pinay international singer/ theater actress ay hindi niya maiwasang ma-starstruck.
Kaya naman daw isa sa pangarap nito ang magkaroon ng collaboration sa kanyang crush and fave singer na si Lea. Isang dream come true raw para sa kanya kung magkakatotoo ang kanyang pangarap.

Tsika pa nito na alam daw ng kanyang mabait na asawa na si Thea na crush niya at idolo niya si Lea. Kaya naman daw everytime na makikita nila si Lea ay tinutukso siya nito.
Joel-CruzKambal ni Joel Cruz 2 years old na

 

DALAWANG TAON na ngayon ang kambal ni Joel Cruz (The Lord of Scents) na sina Prince Sean and Princess Synne. Engrandeng ipinagdiwang ang kaarawan ng kambal sa Hotel Sofitel Philippine Plaza Tent kasabay rin ang kaarawan ng nanay ng The Lord of Scents na si Nanay Milagros.

Karnabal ang tema ng pagdiriwang. Ang buong tent ay napuno ng makukulay at naglalakihang palamuti tulad ng carousel at ferris wheel na makikita sa entablado, at hot air balloon naman sa bawat lamesa.

Mas pinasaya pa ng iba’t ibang perfomers tulad ng mga clowns, unicyclist, magicians, gymnasts, at jugglers. Star-studded ang birthday ng kambal kasama na rin ang ilan sa mga kilalang kaibigan ni Joel. Masayang-masaya ang president at CEO ng Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures at Aficionado Your Fashion and Scent Store (AFSS Apparel) dahil nakita niya kung gaano naging masaya, hindi lang ang kambal niya at ang kanyang ina, kundi pati na rin ang mga bisita.

Sadyang napaka-cute at napaka-bibo ng kambal ni Joel kaya hindi siya mahiwalay sa mga ito sa bahay man o kasama minsan sa trabaho.

 

Casey-GreySing For Your Dreams monthy finals, gaganapin sa Starmall Edsa-Shaw

 

GAGANAPIN NGAYONG Linggo Dec. 14 , 2014 ang monthy finals ng SMAC TV Production’s Sing for Your Dreams sa Starmall Edsa-Shaw, 4pm, hosted by Upgrade’s Kcee “Casey” Martinez at Grey.

Magpapakitang-gilas sa pag-awit ang tatlong monthly finalist at isa ang uusad at mapipili para makasama sa Grand Finals.

Bukod sa pagalingan sa pag-awit ng mga monthy finalist, aawit din ang host nito na sina Kcee at Grey. Napapanood ang Sing For Your Dreams sa Celebrity Channel sa YouTube tuwing Linggo, 7pm.

John’s Point
by John Fontanilla