Gloc 9, wish ngayong 2015 na maka-duet si Lea

Gloc 9, wish ngayong 2015 na maka-duet si Lea

Gloc-9HINDI INILILIHIM ni Gloc 9 ang labis-labis na paghanga sa kanyang idolong si Lea Salonga kaya naman daw ang makasamang umawit ang isa sa pangarap nito.
Marahil ito na raw ang isa sa magiging katuparan ng kanyang pangarap kapag naka-duet na nito si Lea. Hindi nga raw niyo maiwasang ma-starstruck sa tuwing makikita nito nang personal ang Pinay international artist.
Ilan nga sa mga maningning na singers na may collaboration siya ay sina Regine Velasquez, Rico Blanco, Parokya ni Edgar, atbp.

 

Justin-Lee-Jonathan-SloliGawad Kabataan, humamig ng 2 awards sa katatapos na 35th People’s Choice Award

TUMANGGAP NG kauna-unahang hosting award sa katatapos na 35th People’s Choice Award na ginanap sa AFP Theater ang mga Gawad Kabataan hosts na sina Justin Lee at Jonathan Solis na parehong tumanggap ng “Outstanding Teen Public Service Host 2014”, samantalang tinanghal namang “Outstanding Teen Public Service Show” ang kanilang show na Gawad Kabataan.
Kasabay na tumanggap nina Justin at Jonathan sina Mr. German Moreno, UPGRADE, Elizabeth Ramsey, Jake Vargas, Luis Gabriel Moreno, Ryu Morikawa, atbp.
At sa pagtanggap nga nila ng award ay nangako ang pamunuan ng SMAC TV Productions na magpapatuloy silang tutulong sa mga kabataang nangangailan ng tulong through their show Gawad Kabataan.

John’s Point
by John Fontanilla