Glenda Garcia, puring-puri si Alden Richards

ADVERTISING

Glenda Garcia, puring-puri si Alden Richards

Glenda Garcia, puring-puri si Alden Richards
Glenda Garcia with Alden Richards

KADALASAN, ang mga bida lang ang mga naisusulat. Sila lang ang naipo-promote.

Ang mga nasa supporting roles category, most of the time ay hindi. Nase-set aside sila.

Pero dahil sa galing ng isang Glenda Garcia, hindi man siya ang bida sa bagong serye ng GMA Kapuso Network na “I Heart Davao” na umere yesterday at pinagbibidahan nina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Benjamin Alves, she deserves to be acknowledged. Yes, Glenda Garcia is part of the teleserye and she plays Ate Pru  na kapatid ni Hope played by Carla.

Matagal na si Glenda sa showbiz. Nagbida sa mg pelikula noong early 90’s pero nang mabago ang trend sa showbiz, dahan-dahan nawala ang mga liga nila.

ADVERTISING

Pero dahil nasa puso ng aktres ang pag-arte ay hindi siya nawala sa eksena. May mga offers na dumarating na hindi niya tinatanggihan. ”It’s a blessing from the Lord. It’s still work. I believe there is no small or big roles kung artista ka,”sabi niya sa amin.

Kaya nga with her professional attitude towards work sunod-sunod ang trabaho niya.

Aside from her new teleserye, abangan din si Glenda sa darating na July sa “Wish Ko Lang” with Alden Richards na puring-puri ng aktres: “Mabait siya. Walang ere. Magaling si Alden. Wala siyang demands,” sabi ng aktres.

In between showbiz assignments ay nakalaan din ang panahon ni Glenda sa mga charity works at mga advocacy niya on breast cancer awareness. Sa mga hindi nakakaalam, siya ay isang breast cancer survivor at katuwang siya ngayon sa mga gawain ng Kasuso Foundation ng East Ave. Medical Center. Aktibo rin siya sa mga gawain ng grupo.

Glenda is the younger sister of actress Melissa Mendez.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING