Glenda Garcia, ‘di nagpatalo sa cancer

Glenda Garcia, ‘di nagpatalo sa cancer

Glenda-GarciaHAPPY KAMI sa kaibigang Glenda Garcia at muli ay active siya sa kanyang showbiz career. In 2013 she was diagnosed with breast cancer kaya nanlumo ang mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan dahil sa kaganapan at pagsubok na ito sa kanyang kalusugan. Pero dahil fighter by nature, hindi nagupo si Glenda ng Big C.

Bago pa man lumala ang cancer cells sa kanyang katawan (breast area), she decided na ipatanggal na rin ‘yong isang bahagi para hindi na maapektuhan ‘yong isa. Pero dahil mahal siya ng Diyos, nairaos niya ang Big C.

How ironic nga ang buhay ni Glenda dahil even before she was diagnosed with breast cancer, abala na ang aktres sa kanyang mga charity works sa Kasuso Foundation ng East Avenue Medical Center (EAMC), kung saan isa siyang volunteer at dating Board of Director ng organization noon who helps elevate the life of cancer victims and survivors. Kasama rin niya ang mga showbiz personalities like Ogie Diaz and Marissa Sanchez sa organisasyon.

Dahil kabilang siya sa kanila, akma lang marahil ang teleseryeng Second Chances ng Kapuso Network na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago at Rafael Rosell sa direksyon ni Laurice Guillen na maging bahagi siya ng teleserye where she plays wife to Ricky Davao.

Sa mga hindi nakaaalam, aside from Glenda’s acting career sa telebisyon (mostly with Kapuso Network shows); tuloy pa rin ang mga charity works niya sa Kasuso Foundations na during the Christmas Season, naging panauhin nila sina Pokwang at Ai-Ai delas Alas sa pa-Christmas Party nila para sa mga victims ng breast cancer.

Glenda as a cancer survivor ay pangalawa na niyang buhay ito. Akma lang ang teleseryeng Second Chances sa mga naging biktima at survivor ng breast cancer tulad niya para muling harapin ang panibagong hamon ng buhay.

Kilala ko si Glenda, always a fighter ‘yan and in the end palaging siya ang nagwawagi at hindi nagugupo.

Reyted K
By RK VillaCorta