Glaiza de Castro shoots ‘Bank Holiday’ MV in Ireland with future husband

NASA Pilipinas na muli ang Kapuso versatile actress na si Glaiza de Castro. Sa kanyang pagbabalik sa bansa ay todo kayod agad ito.

Palabas sa Upstream.PH ang pelikulang ‘Midnight in a Perfect World’ na pinagbibidahan nila ni Jasmine Curtis-Smith. Nag-umpisa na rin ang lock-in taping nila para sa upcoming Kapuso teleserye na Nagbabagang Luha kung saan kasama niya sina Rayver Cruz at Mike Tan.

Glaiza de Castro shoots 'Bank Holiday' MV in Ireland with future husband
Glaiza de Castro and David Rainey

Well, hindi lang sa pelikula’t telebisyon busy si Glaiza. Inilabas na rin niya ang kanyang latest single na ‘Bank Holiday‘. What makes this song special? The music video was shot in Ireland kung saan mismo ang kanyang fiancé na si David Rainey ang kanyang kasama.

“Shooting a music video in a 3 degree temperature with gusting winds and acting like it’s warm and sunny while wearing a summer dress is no joke but it sure was fun!” post ni Glaiza sa kanyang Instagram account.

Nagpost din ng update with excitement ang future hubby ni Glaiza sa kanyang Instagram.”This excited to share with you! Very proud of @glaizaredux new music video ‘Bank Holiday,’. Was so much fun being part of this and making the dream become reality.”

Ang ‘Bank Holiday’ na rin ang nagsilbing Valentine present nina Glaiza at David sa kanilang fans and supporters. Lumipad patungong UK ang talented actress para doon mag-holiday. Isa sina Glaiza at David sa mga ‘Quarantine Sweethearts’ dahil nagpropose ang Irish dyowa noong Christmas Eve.

Panoorin at suportahan natin ang Bank Holiday ni Glaiza de Castro!