Glaiza de Castro, nabuking ang pag-aaring resto

Glaiza de Castro, nabuking ang pag-aaring resto

Glaiza-de-CastroKUNG HINDI pa naglabasan na isang chef ang napababalitang boyfriend ni Kylie Padilla, hindi pa malalaman ng karamihan na meron palang pag-aari na resto si Glaiza de Castro.

Head chef kasi ng resto ni Glaiza na Runner’s Kitchen ang nabalitang ipinalit sa puso ni Kylie kay Aljur Abrenica.

Hindi lang sure si Glaiza kung paano nagkakilala sina Matt Heneras (bf ni Kylie) at Kylie. Nalaman na lang daw niya na nagde-date ang dalawa, at minsan ay naabutan niya raw sa kanilang resto si Kylie.

“Noon una, hindi ko talaga alam na magkakilala pala sina Matt at Kylie. Nalaman ko lang sa social media noong i-post ni Kylie ‘yung photo nilang dalawa.

“Natuwa naman ako kasi bagay naman silang dalawa. Saka alam kong magiging mabuting boyfriend si Matt kay Kylie.

“Naiinggit nga ako sa kanila kasi sobrang sweet nila. Kulang na lang ay langgamin silang dalawa,” nakangiting say ni Glaiza.

Naitsika rin ni Glaiza nababalanse naman niya ang pagma-manage ng resto at sa pag-arte sa harap ng camera.

“Kaya ko naman. Kailangan kasing nakatutok din ako sa business namin dahil bago pa lang siya. Kung wala ako sa resto, nandoon naman ang ibang partners ko. Kailangan kasing alam namin lahat ng ginagastos at kinikita ng resto business namin.

“Mahirap na ‘yung wala kaming alam sa takbo ng business. Kaya nga ako natutong magkuwenta dahil kailangan talagang involved ako 100 percent sa business.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo