Glaiza de Castro, kinuyog ng AlDub fans at fans ni Alden Richards

ADVERTISING

Glaiza de Castro, kinuyog ng AlDub fans at fans ni Alden Richards

Glaiza De Castro
Glaiza De Castro

Pinagtulungang i-bash ng AlDub fans at fans ni Alden Richards ang starlet na si Glaiza de Castro because of her recent statement sa pagpasok ng actor sa kanilang fantaseryeng hindi nagre-rate sa number two network.

“Papasok si Alden (Richards), pumasok na si Miguel Tanfelix, si Conan Stevens.

“So, marami pang mangyayari, marami pang mga characters na papasok.”

“I’ve always believed in him more than the AlDub guy.

ADVERTISING

“And I think, excited na rin siya dahil matagal na rin siyang hindi sumasabak sa mga ganitong genre.”

Iyan ang statement ni Glaiza na nagpagalit sa AlDub fans.

Hindi pala nila type ang terminong AlDub guy. Poot na poot sila sa aktres because of that.

“Pasensya na po kayo kung kung iba ang dating saaa inyo. Hihingi nalang po ako ng paumanhin sa idol niyo pag nagkita kami sa set. Good vibes lang.”

‘Yan ang apology ni Glaiza sa fans ni Alden.

Naku, Glaiza, hindi ka dapat mag-apologize sa mga bastos na ‘yan. Wala namang ginawang mabuti ang mga iyan kundi mam-bash sa social media, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING