Glaiza de Castro, goodbye showbiz na pagkatapos ng ‘Contessa’?

ADVERTISING
Glaiza de Castro, goodbye showbiz na pagkatapos ng 'Contessa'?
Glaiza de Castro

NASA LAST TWO weeks na lang ang panghapong intense series na ‘Contessa’ na pinagbibidahan ng napakagaling na si Glaiza de Castro. Talagang nasa edge ka ng iyong upuan tuwing may mga bonggang showdown scenes ang dalaga with Lauren Young, Gabby Eigenmann at Chanda Romero. Lahat ng cast members ng programa ay tunay nga naman na mahuhusay at walang patapon.

A few weeks ago ay marami ang umasa na si Glaiza ang makakasungkit ng Best Actress award sa Cinemalaya Film Festival 2019 dahil sa pagganap niya sa Liway. Kahit lagare siya sa taping ng Contessa ay nagawan niya ng paraan na gawin ang special project na puro sold out ang screenings sa CCP man o sa mga participating malls.

How true kaya na balak na raw ni Glaiza na magpahinga sa aktingan pagkatapos ng Contessa? Naging sunod-sunod din kasi ang teleserye nito na puro challenging ang character development kaya deserve din naman niya na magpahinga.

Glaiza de Castro, goodbye showbiz na pagkatapos ng 'Contessa'?
Glaiza de Castro

Ayon sa aming source, hindi naman daw talaga tuluyang aalis sa showbiz si Glaiza. Gusto lamang nitong tuparin ang kanyang dream na makapag-aral na ilang beses na rin napo-postpone. Music Production daw ang gusto nitong kunin. Well, alam naman natin na bongga ang mga original compositions ni Glaiza kaya naman hindi na kataka-taka na music-related ang gusto nitong aralin pa ng mabuti.

Contessa, push lang ng push!

ADVERTISING

Anyway, balita namin ay magkakaroon ng nationwide screening ang ‘Liway’ sa darating na Setyembre. 

ADVERTISING