Glaiza de Castro, engaged na sa kanyang Irish boyfriend

ENGAGED NA ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro!

Ito ang masayang ibinalita ng aktres on Christmas Eve sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Kasalukuyang nasa Ireland ang aktres para doon i-celebrate ang pasko at New Year kasama ang pamilya ng kanyang boyfriend na ngayo’y fiance na si David Rainey.

Glaiza de Castro, engaged na sa kanyang Irish boyfriend
Glaiza de Castro now engaged to David Rainey

Simpleng caption ng blooming actress sa kanyang IG showing her engagement ring, “Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather.

“…it just felt right. (sparkling wine, Christmas tree, ring emojis)”

Masaya ang mga kaibigan at katrabaho ni Glaiza sa bagong development sa personal life ng aktres tulad nina Angelica Panganiban, Solenn Heussaff, Carla Abellana, Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, Jolina Magdangal, Yeng Constantino at marami pang iba.

More than two years na rin magkarelasyon sina Glaiza at David. Sa katunayan, nakilala na rin ni Glaiza ang pamilya ni David nang magbakasyon ito sa Ireland noong panahon na pansamantalang nanalagi sa UK si Glaiza para mag-aral ng music. This year naman ay nasa bansa si David at naabutan pa nga ng Enhanced Community Quarantine o ECQ. Sa Baler na pansamantalang nanirahan ang dalawa kasama ang pamilya ng aktres, na may negosyong bed and breakfast doon. In short, swak na swak ang chemistry ng dalawa at tila nahanap na talaga ni Glaiza ang ‘the one’ sa Irish future husband niya.

Congratulations to the lovely couple!