Glaiza de Castro, ‘di makapaniwala na finalist sa Seoul Drama Awards ang teleserye

ADVERTISING

Glaiza de Castro, ‘di makapaniwala na finalist sa Seoul Drama Awards ang teleserye

Glaiza de Castro, ‘di makapaniwala na finalist sa Seoul Drama Awards ang teleseryePASOK ANG Temptation Of Wife bilang isa sa finalists sa Seoul Drama Awards. Ang isa sa cast nito na si Glaiza de Castro na gumanap bilang si Heidi, ang kaagaw ni Angeline (Marian Rivera) sa asawa nitong si Marcel (Dennis Trillo), sobrang tuwa raw ang naramdaman nang mabalitaan niya kamakailan ang tungkol dito.
Anim lang ang napabilang sa Programmer’s Choice Of Final Entries. Ang lima pa pa ay ang Real Humans ng Sweden, Wings Of Hope ng Japan, Windeck ng Angola, Breaking Bad (Season 1) ng USA, at Clan ng Belgium.

ADVERTISING

“Ang saya!” ani Glaiza nang makakuwentuhan namin.  “Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala. Sobra akong kinilibutan nang narinig ko ‘yong balita na ‘yon. Kasi kahit papa’no, ‘di ba… may ipagmamalaki ang mga Pilipino dahil do’n.

Wala pa raw opisyal na imbitasyon silang natatanggap kaugnay nito.

“Kaya nga hindi pa rin nagsi-sink in sa akin, eh. Pero thankful ako sa pagkakasama ng Temptation of Wife bilang isa sa finalists. Isang malaking karangalan na ‘yon, ‘di ba? Sobrang blessing na. Gusto kong pumunta kapag nakatanggap na kami ng formal invitation. Pangarap ko rin kasing maka-attend sa mga gano’ng klase ng international na awards night.  At ‘yong makapunta ka lang, sobrang blessing na iyon, eh.”

ADVERTISING

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING