Glaiza de Castro at David Rainey kasal na noon pang Oktubre 2021

IT’S CONFIRMED: Kasal na si Glaiza de Castro sa kanyang longtime Irish boyfriend na si David Rainey!

Ito ang nakakagulat (in a good way) na rebelasyon ng Kapuso actress sa pamamagitan ng Sunday lifestyle show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Glaiza de Castro at David Rainey kasal na noon pang Oktubre 2021
Glaiza de Castro and David Rainey’s wedding

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Glaiza at Rainey noong nagbakasyon sa Northern Ireland ang aktres noong October 2021 matapos ang kanyang lock-in tapings para sa afternoon series na ‘Nagbabagang Luha’.

Unang nagkrus ang landas nina Glaiza at David sa Siargao noong 2018. Aminado si David na siya ay nabighani sa kagandahan ni Glaiza.

“Sobrang ganda niya. I was just blown away,” kuwento ni David.

The more na nakilala nila ang isa’t isa ay mas lalong umusbong ang kanilang relasyon kahit pa kinailangan din nilang pagdaanan ang LDR o Long Distance Relationship.

Para mas espesyal ang kanilang kasal, ginanap ito sa lugar kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena sa ‘Game of Thrones’. Ginawa din nila ang Irish wedding tradition na handfasting, kung saan literal na the couple ‘tied the knot’.

Nang tanungin kung bakit nila itinago ang kanilang relasyon for four months: “We’re just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family.” sambit ni Glaiza.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagpapalitan ng singsing ang mag-asawa. Balak nila itong gawin sa pinaplanong second wedding dito sa Pilipinas.

Congratulations, Mr. and Mrs. Rainey!

Previous articleLouise delos Reyes bida na ulit sa ‘The Wife’ ng Vivamax
Next articleVLOG WATCH: A Valentine Prom Date with Allen Ansay and Sofia Pablo