Gladys Reyes, sinabunutan ni Nora Aunor

Gladys Reyes, sinabunutan ni Nora Aunor

Gladys-Reyes-Nora-Aunor“NAKAE-EXCITE NA nakaloaloka talaga ‘yung first taping namin ng My Little Nanay. Kasi sabunutan kaagad ang eksena.” Ito ang naging pahayag ng mahusay na kontrabida na si Gladys Reyes kaugnay sa naganap na first taping nila ng My Little Nanay kaeksena si Ms. Nora Aunor, kung saan pinagsasabunutan siya nito.
“Bale sinabunutan ako ni Ate Guy. Nakikita ko nga ‘yung mga tao sa paligid namin, parang natatawa, parang natutuwa pa at sinasabunutan ako ni Ate Guy.
“Feeling ko at nasa isip ko, sinasabi nila na nakabawi na ‘yung mga inapi at tinarayan ko sa mga projects na ginawa ko. Kasi ngayon ako naman ‘yung sinasabunutan ni Ate Guy. Hahaha!
“Pero iba ‘yung feeling na nararamdaman ko habang sinasabunutan ako ni Ate Guy, nakapa-proud. Kasi Superstar ‘yung sumasabunot sa akin. Na-out of balance pa nga ako, eh. Mabuti na lang, nasalo ako ni Kempee (de Leon).
“Nabitin nga ako du’n sa eksena, eh. Wala pang sampalan. Hahaha! Sabunot pa lang,” ani Gladys.

John’s Point
by John Fontanilla