Gladys Reyes, may kinaaanibang ibang ‘INC’

ADVERTISING

Gladys Reyes, may kinaaanibang ibang ‘INC’

Gladys-ReyesNITONG MARTES ay in-studio guest ng programang Cristy Ferminute sa Radyo 5 ang paborito’t hinahangaan naming si Gladys Reyes, mapa-aktres man o bilang tao.

Bukod sa nais niyang i-promote ang nagsimula nang teledrama niya sa GMA, ang Little Nanay, the radio interview shifted to the much ballyhooed news item tungkol sa kapwa miyembro ni Gladys sa INC (Iglesia Ni Cristo) na si Kathryn Bernardo.

Ang tambalang KathNiel kasi has openly declared its support para sa presidential bid ng Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas, kaya ang tanong: hindi ba’t mahigpit na ipinagbabawal sa Kapatiran ang lantarang pag-eendorso ng isang kandidato sa panahon ng eleksiyon?

May mga pigurang hawak si Cristy Fermin sa kung magkano ang umano’y bukod na ibinayad kina Daniel at Kathryn, galing ‘yon sa isang unimpeachable source.

ADVERTISING

Pero sa gitna ng usapin, nananatiling clueless si Gladys, “Sa totoo lang, Nanay Cristy, wala po akong alam,” pauna ng mahusay na aktres sa programa nina Cristy at Richard Pinlac. “Hindi ko po kasi alam kung ano ang status ni Kathryn sa INC (kung kasapi pa ba o itinawalag na).”

One thing’s for sure, may ibang “INC” na kinabibilangan si Gladys na nahahanapan niya ng panahon sa kabila ng kanyang trabaho sa showbiz: ang “Inspiring Nanay Celebrities”.

A mom to Kristof, Aquisha and Grant sa kanyang pinakamamahal na si Christopher Rojas, mas pinaigting pa ni Gladys ang kanyang sariling line of beauty products tulad ng sabon, body scrub, at rejuvenating cream. Bukas ang kanyang “Gladys Reyes” for distributorship whose products have crossed territorial boundaries sa labas ng bansa, ha?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING