Gladys Reyes, irita pa rin kay Rita Daniela sa ginawa kay Donita Rose?

ADVERTISING

Gladys Reyes, irita pa rin kay Rita Daniela sa ginawa kay Donita Rose?

Gladys-ReyesNAKU! NGAYON ko lang nakarating sa akin ‘yung kuwentong may tinarayan daw si Gladys Reyes na co-star nila sa Let The Love Begin.

Nagpa-interview nga si Gladys sa ilang reporters para linawin ang isyung ‘yun dahil wala naman daw siyang tinarayan.

Ito raw ‘yung insidente nila ni Rita Daniela na kasama rin sa drama series na ‘yun.

Ang kuwento pala, itong si Rita raw ay parang nairita kay Donita Rose nu’ng nagkaeksena sila. Nagkamali raw kasi si Donita sa eksenang ‘yun na sa halip na suportahan daw ang co-star niya, parang umirap pa raw ito at umikut-ikot pa raw ang mata na tila nairita sa pagkakamali ni Donita. Nataranta tuloy si Donita dahil nakita nga niyang umirap daw itong si Rita.

ADVERTISING

Mabait naman kasi itong Donita kaya tahimik na lang siya. Pero napag-usapan yata nila ni Gladys, kaya nag-react itong huli dahil alam mo naman ‘yan. Ayaw niyang tratuhing ganu’n ang mga kaibigan niya.

Sabi naman kasi ni Gladys, never daw nangyari sa kanya na ginaganu’n ang kaeksena mo ‘pag nagkamali. Hindi rin naman daw niya ginagawa ‘yun sa mga kaeksena niya kaya hindi raw puwedeng gawin ‘yun ni Rita.

Kaya irita ito at siguro gigil na gigil na makasama sa eksena si Rita. Pero nakarating na siguro kay Rita na inis nga si Gladys, kinausap na niya ito sa susunod na taping.
Hindi naman daw siya tinarayan ni Gladys. Sinabihan daw siya ni Gladys na nabubuwisit siya kay Rita kaya umiyak-iyak daw itong Rita na nagpaliwanag.

Hindi naman daw niya intensyong ganu’nin si Donita. Nu’ng time na ‘yun daw ay sobrang stressed lang daw siya dahil aligaga pa raw siya sa pag-aaral niya dahil may exams ito.

Nag-sorry naman daw siya kay Donita at pati si Direk Gina Alajar ay pinayuhan din daw siya, dahil hindi nga naman maganda ang  ganu’ng trato sa mga artistang nakatatanda sa ‘yo.

Nagkaayos naman daw sila at nag-post pa nga raw si Rita sa Instagram account niya ng litrato nilang tatlo.

Nakita ko nga ang litratong ‘yun sa IG account ni Rita, parang napilitan lang magpalitrato si Gladys, ha! Alam mo naman ‘yang alaga ko kung paano niya ipagtanggol at protektahan ang mga kaibigan niya at tingin niya kung sino ang naaapi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING