Gladys Reyes, humanga sa kababaang-loob ni Boy Abunda

ADVERTISING

Gladys Reyes, humanga sa kababaang-loob ni Boy Abunda

Gladys-Reyes-Boy-AbundaNATANONG NG press si Gladys Reyes tungkol sa controversial na Twitter post niya about Buzz ng Bayan sa interview ni Boy Abunda kay Wowie de Guzman last Sunday.

ADVERTISING

Ang first question kay Wowie ni Kuya Boy ay kung totoo ba na nagpapa-interview ito lately dahil gustong bumalik sa industriya.

May nagkomento sa Twitter na napaka-insensitive daw ng question at sumang-ayon naman si Gladys.

Bukod dito ay nag-post din si Gladys sa kanyang Twitter account nang ganito: “Hindi ako maka-get over. Bilang kaibigan, parang how insensitive para itanong ‘yun at para sa first question?!

ADVERTISING

Pero nilinaw ni Gladys na hindi siya galit kay Kuya Boy. In fact, inumaga raw siya sa TV host na talagang tumawag pa sa kanya matapos siyang makapaglabas ng sama ng loob.

“Once and for all na lang po. Hindi po ako galit kay Tito Boy Abunda. Hinding-hindi po. And okey na po, for the record. Hindi lang naman po ako sa Twitter, kumbaga, inilabas ko ‘yung saloobin ko. I even texted mismo si Tito Boy sa kanya mismong dalawang numbers. And wala pa yatang one minute or after a minute, nag-text back na siya. And he was very apologetic sa nangyari. Hindi lang sa amin na mga kaibigan ni Wowie, even kay Wowie, very apologetic siya.

“And then for that, I admire him for his humility. Siyempre sa gesture na ‘yun, kaya sana huwag na po nating i-ano, kasi okey na po. Baka lang may lumabas na ibang version. So, ‘yun po, okey na po and napaka-humble ng gesture na ‘yun ni Tito Boy, and we really appreciated it na na-address ‘yung concern,” say ni Gladys.

Samantalang masaya si Gladys na nabigyan siya ng daily morning talk/variety show na Basta Every Day Happy.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING