Giyera ng mga Barretto, sumiklab na naman

ADVERTISING

Giyera ng mga Barretto, sumiklab na naman

Marjorie-Barretto-Claudine-Barretto-Gretchen-BarrettoMULI NA namang nabuhay ang alitan sa pagitan ng mga Barretto pagkatapos ng interview ng Buzz ng Bayan kay Claudine Barretto, kung saan ipinagtapat ng aktres na dumating sa bahay niya ang walong lalaki na may dalang ambulansiya at strait jacket para dalhin siya sa ospital kasama ang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie, bukod pa sa tinawag siyang laos, lechon, at wala nang babalikan sa showbizness.

Dito ay sinabi rin ni Claudine na parang pinatay siya ng kapatid na si Marjorie nang ilayo nito sa kanya ang mga pamangkin kung saan siya ang nagpalaki sa mga ito. Agad namang nagpadala ng statement niya sa Buzz ang dating actress/politician, kung saan nakasaad dito na ang mga mga magulang nila ang nakiusap sa kanila na magdala ng ambulansiya at doktor dahil tumawag ang personal assistant ni Claudine na inubos niya ang lahat ng kaniyang anti-anxiety medicines at gusto lang nilang iligtas ang buhay ng kanilang bunsong kapatid.

Sinabi rin ni Marjorie na hindi niya ipinagkait kahit kailan kay Claudine ang mga anak niya, pero hindi ito nagtangkang hiramin man lang ang mga bata, tumawag o makipag-usap sa mga ito. Pinaalala rin ni Marjorie na ‘wag kalimutan ng kapatid na ginustong siraan nito ang anak na si Julia bago ito pumasok sa showbizness.

Nagpadala rin naman ng statement niya si Gretchen sa Pep kung saan sinabi nito na “hallucinating” at “suffering from severe mental illness” si Claudine. Dito ay idenenay ng aktres na tinawag niyang lechon, baboy, laos at magpakamatay na ang kapatid, na hindi rin siya nagsalita ng anumang masasakit kina Santino at Sabina. Sinabi rin ni Gretchen na ang inang si Inday Barretto ang ina na hindi gugustihin na kahit na sino na maging Nanay nila. Nakalagay rin sa statement na pinadala ni Gretchen na binanatan siya ng mga magulang na sisirain siya sa publiko ‘pag hindi raw naibigay ang hinihingi nilang pera rito.

ADVERTISING

Nakalulungkot isipin na imbes na magkaayos at magkapatawaran ay higit pang lumala at lumalim ang hidwaan sa pagitan ng mga Barretto kung saan damay pati ang kanilang mga magulang, na nawala na ang respeto at pagmamahal na dapat sana ay nagbibigkis sa isang pamilya.

Sa totoo lang, kung papanoorin mo si Claudine o kung babasahin mo ang statement nina Gretchen at Marjorie, hindi mo alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila. Mukhang ‘di nagkatotooo sa pamilya Barretto ang kasabihang pinaghihilom ng panahon ang naunang sugat.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING