Girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca, ‘di akalaing mas magiging daring pa ang boyfriend sa “The Escort” kumpara sa ibang nagawang pelikula

ADVERTISING

Girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca, 'di akalaing mas magiging daring pa ang boyfriend sa "The Escort" kumpara sa ibang nagawang pelikula

Derek Ramsay and Joanne Villablanca
Derek Ramsay and Joanne Villablanca

Sa paglabas ng kolum item na ito, nakabalik na siguro galing sa kanyang Undas vacay si Derek Ramsay mula Bali, Denpasar sa Indonesia kasama ang kanyang pamilya.

Kasama ng sexy hunk ang kanyang parents, maging ang girlfriend niyang walang kaselos-selos na si Joanne Villablanca na kasama niya sa premiere night ng kanyang super sexy na movie with Lovi Poe, ang “The Escort” last Thursday evening na isinagawa sa SM Megamall.

Noong una pala, medyo tensyonada ang mommy ni Derek (kasama ang dad niya) sa pinaka-sexy film project ng kanilang anak.

Based kasi sa napanood na trailer ng ina, kabado ito na baka “nagwala” na ang kanilang anak sa pelikulang ginagawa nito.

ADVERTISING

Maging ang kanyang girlfriend na si Joanne, kampante. Hindi insecure kung ano man ang napanood niya sa mga eksena ng boyfie sa pelikula, lalo na ang eksena niya with Lovi nang magbakasyon sila sa isang beach resort at ang hot love scene nila sa kama na pumaibabaw pa ang dalaga at ang pool love scene naman ni Derek with Jean Garcia.

Sabi ng sexy hunk, “She trusts me. It’s not an issue.”

We’ve learned na during the sexy love scene nila ni Jean sa pool, si Joanne pala, nandu’n lang sa isang room at kasama sa shooting ng boyfriend.

Nang makausap namin ang girlfriend ni Derek at the after preem dinner party, napangiti lang sa tanong namin about Derek kung hindi natetensyon kapag napanonood ang boyfie sa mga ganu’ng klaseng eksena.

“His film with Anne Curtis and Cristine (Reyes), I thought ‘yun na ang sexiest and most daring niya. ‘Yun pala, hindi pa, But it’s okey, I don’t get affected. I know it’s just work,” sabi ng girlfriend na walang kaasim-asim sa pang-iintriga ng isang reporter na kasabayan namin during the interview.

Sa mga manonood pa lang, abangan ninyo ang öffer na “options” ni Christopher de Leon kay Lovi na malamang sa hindi, magiging by-word ito sa movie na dinirek ni Enzo Williams.

By the way, congratulation kay Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde at naka-P5 million sa first day of showing ang pelikula. Not a bad box-office result, dahil sa maganda naman talaga ang pelikula. Sosyal na, hotness to the max pa.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING