GIRL O BOY? Baby ni Pokwang, malalaman na ang gender!

ADVERTISING

GIRL O BOY? Baby ni Pokwang, malalaman na ang gender!

GIRL O BOY? Baby ni Pokwang, malalaman na ang gender!
POKWANG

BUO na ang bata na nasa sinapupunan ng komedyanteng si Pokwang. Hindi na ito naglilihi at nairaos din ng komedyante ang kanyang kapritso na dahil first baby nila ng boyfie na si Lee O’Brian, nalampasan din ni Lee ang mga cravings at wants ng girlfriend na buntis.

ADVERTISING
 
Sa mensahe ni Pokie sa kaibigan niya na si Eric John Salut na publicist ng Dreamscape Entertainment tungkol sa paglilihi niya noong early stage ng pagbubuntis niya: “Di ba nga? Andami kong gusto, pero ‘pag nasa harap ko na, ayaw ko na! Hahahaha! Ayaw na ayaw ko ng amoy ng gisa, naku! Eh samantalang ang hilig kong magluto, mahilig ako maggisa,” mensahe niya.
 
GIRL O BOY? Baby ni Pokwang, malalaman na ang gender!
Pokwang with live-in partner Lee O’Brian and daughter Mary Subang

Isa rin sa ayaw or paglilihi ni Pokwang ay ayaw niya makita si Lee. Sa mensahe niya kay EJ: “ Ang nakakaloka, ayaw kong makita si Papang (Lee O’ Brian). Ayaw ko siyang nakakatabi, ayoko siyang nakikita sa bahay,’ mensahe ng komedyate sa kaibigang si EJ.

 
Sa darating na Sunday (October 1) ay may pa-reveal party ang komedyante para malaman na ang gender ng bata. Lambing nga niya sa mga bisitang inimbitahan niya at sa mga piling mga close friends para sa announcement ng baby nila ni Lee.
 
Pakiusap ni Pokie sa mga imbitado na kung feeling nila ay girl ang baby nila ni Lee ay magsuot ng pink at blue naman kung boy ang guess ng bisita.
 
Nasa 5 months and 1 week na ang sanggol na nasa sinapupunan ng komedyante.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING