Ginger Conejero, gustong pakasalan ni Justin Timberlake?!

Ginger Conejero, gustong pakasalan ni Justin Timberlake?!Ginger Conejero, gustong pakasalan ni Justin Timberlake?!NAKAKATUWA NAMAN ANG reaksiyon ni Ginger Conejero, ABS-CBN showbiz reporter at ANC host, sa lumabas na balita kamakailan sa Philippine Daily Inquirer na gusto raw siyang pakasalan ni Justin Timberlake who recently performed as a guest artist in Timbaland’s concert at the SM Mall of Asia.

In an interview with abs-cbnNEWS.com, sinabi ni Ginger na nagulat daw siya nang makita niya ang kanyang litrato kasama si Justin sa front-page ng diyaryo. The photo was taken during Justin’s arrival at the airport. At sinamahan pa ng isang nakakaintrigang caption that read that the pop star was immediately smitten with Ginger’s beauty. It also quoted Justin as having told the photographers “I want to marry her.”

Sinabi ni Ginger, “Hindi ko nga alam kung saan nanggaling iyon, pero nakakatawa, nagulat ako, hindi ko rin alam kung sinabi nga sa mga photographers.” Una raw niyang nalaman ang balita sa Twitter.

Hindi raw siya naniniwala that Justin who is a popular Hollywood artist actually said he wants to marry her since he never showed any interest on her when they met at the airport during his arrival. “Hindi ako naniniwala. Nagugulat lang ako na ganoon kaagad siya nakumbinsi na pakasalan ako.”

Ginger said she won’t believe anything unless she hears it straight from Justin who is the boyfriend of Jessica Biel. “Hangga’t wala akong naririnig ay hindi ko seseryosohin. At saka ang ganda-ganda ng girlfriend niya na si Jessica. At kung ipagpapalit niya ba si Jessica para sa akin? Well, I don’t think so.”

Pero kung ganda rin naman ang pag-uusapan ay hindi magpapahuli si Ginger who is a former beauty queen. She is smart, statuesque and gorgeous. She won the 2006 Miss Philippines-Air and represented the country at the Miss Global Beauty pageant in China. So who wouldn’t be smitten by Ginger?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda