Ginawang beauty queen?
Piolo Pascual, binigyan ng bouquet of flowers sa Star Awards!

ADVERTISING

<i>Ginawang beauty queen?</i><br>Piolo Pascual, binigyan ng bouquet of flowers sa Star Awards!

<i>Ginawang beauty queen?</i><br>Piolo Pascual, binigyan ng bouquet of flowers sa Star Awards!OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding! Thanks God it’s Friday, kaya lang bad friday ang aking chikka ngayon kasi ba naman ang hinaha-ngaan kong Papa Piolo Pascual ay hindi tinitigilan ng intriga mula nang mahiwalay siya kay KC Concepcion.

Walang humpay ang mga lumalabas na chikka tungkol sa kasarian ni Piolo. Ang latest ay ang pagkapanalo niya sa PMPC Star Awards for Movies ng Male Celebrity Great Shape. Bakit ‘ka mo?

Tama ba naman ‘yung bigyan si Papa P ng bouquet of flowers? Nakakaloka, ‘di ba? Mabuti kung bulaklak man lang na Sampaguita, ‘yung sinasabit sa leeg, wala sanang nag-react to the max. Anong say n’yo? Buti na lang, sports si Papa P. Kasi kung iba ‘yun, baka bumaba siya sa stage.

Pero teka what if kung si Derek Ramsay or Sam Milby ang nanalo nu’ng gabing ‘yun, may agam-agam kayang ganito na bakit bouquet of flowers ang ibinigay sa kanila? Kasi nga naman, dahil sa walang kamatayang issue tungkol sa kanyang gender. Marami nga ako nababasa sa mga tabloid na nang manalo si Piolo ng Star Awards, binigyan ng bouquet ng bulaklak, madlang pipol na shock, at sigaw raw ng madlang pipol, Piolo feeling reyna sa gay beauty contest.

ADVERTISING

Para sa akin, nakakaawa na si Piolo. Kasi lahat na lang ng paraan na hindi naman siguro sadya ay lulutang ang matagal ng pinaghihinalaan sa kanyang kasa-rian sa lahat ng pagkakataong tulad nito. Na sabi ko nga, kung ibang actor ang binigyan ng bouquet of flowers, sigurado ako, walang gano’ng isyu. Pero si Papa P nga ang binigyan, kaya ayun, nagkadugtung-dugtong na naman na tama ang hinala ng mga detractors niya.

Ang tanong, ito ba ay sadya? Kasi matay ko mang isipin, lalaki ang bibigyan nila ng parangal, dapat kasi lay ng bulaklak at hindi bouquet para walang chikkang ganito.

<i>Ginawang beauty queen?</i><br>Piolo Pascual, binigyan ng bouquet of flowers sa Star Awards!Sa totoo lang, nakakaawa na ang nagyayari kay Piolo. Kahit saan siya magpunta, tampulan ng ganitong intriga. Lagi siyang talo, laging pinagtutuunan ng pansin ang isyung kabaklaan. Sabi nga, ‘pag may nakatago, pilit na uungkatin at hahanapan ng butas. Pero kung nand’yan na ‘yan at harapin mo ang katotohanan, matitigil na ang mga makakating dila. Pero si Piolo ay tahimik lang at walang imik sa mga bintang.

Naalaala ko ang isa sa kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi, dinemanda nina Piolo at Sam Milby at wala naman nangyari, kasi pinatawad nila. Pero kung ako si Piolo ituloy niya ang demanda kung mayron siyang matibay na ebidensya na siya nga ay pinaghihinalaang bakla. ‘Wag na nilang palagpasin kasi talagang bumababa ang career ni Piolo dahil sa ganitong intriga tulad nito na sa bago niyang serye, nakapusod. Ano ang sinasabi ng kanyang detractors, sa wakas daw natupad na ni Piolo ang matagal niyang pangarap, ang magpusod. Kulang na lang, ang itirintas. Ano ba ‘yan? Sobra na, tama na, ako’y awang-awa na kay Piolo. Kasi kung ako ang tatanungin, kung bakla si Papa P, wala nang lalaki sa showbiz.

Kaloka kayo, kasi ako naamoy ko ang kalahi ko. Sabi nga nila, birds of the same feathers flock together. ‘Yun na! Kaya tama na ‘yan.

 

PITIK-BULAG: SINO itong tinaguriang Cory Aquino, as in sobrang kuripot. Kasi ba naman, pati pagkain niya ay pinapalibre niya sa kanyang mga fans. Samantalang napakalaki ng kinikita nito.

Kasi nu’ng mga nakaraang araw, siya ang lagi mong makikita sa TV na ang daming endorsements na pinapakita. Siya ay isa sa original bagets, na nasa bayan ko at nangangampanya. Given na ‘yan, ha?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING