Gina Pareño, nakipagrambulan kay Coco Martin

Gina Pareño, nakipagrambulan kay Coco Martin

Gina-Pareno-Coco-MartinNakasalubong namin si Ms. Gina Pareño on our way out sa DZMM studio last Friday nang mag-pinch-hit ako kay Papa Ahwel Paz sa radio show nila ng kaibigang Jobert Sucaldito na “Mismo” at ang loveable radio host ay nasa Tagaytay to cover the wedding of Beth Bautista’s son “Barok”.

Nakatsika namin si Ms. Gina Pareño at naikuwento niya ang rason ng pag-ika-ika niya na natapilok siya sa isang eksena nila ni Coco Martin sa “Ang Probinsiyano”, kung saan special guest ang aktres.

Ms. Gina plays the role of a Mama San or bugaw, reason kung bakit nag-disguise naman si Coco Martin as a girl sa teaser na ipinakikita ngayon sa telebisyon.

“Naku, nagrambulan kaming dalawa. Na-out of balance ako, kaya heto galing ako sa doktor,” sabi ni Tita Gina sa amin.

Sabi ko nga sa kanya, magandang exercise ang itapak niya sa bote na may mainit na tubig at pagulung-gulungin ng paa niya para ma-massage ang affected area.

Naka-five taping days na raw siya sa action-serye, pagbabalita ng batikang aktres sa amin, na kahit may iniindang sakit sa paa ay ratsada pa rin siya that evening at special guest naman siya ni Bro. Jun Banaag sa radio show nito na “Dr. Love” na kasabay naman niya si Dulce bilang panauhin ng batikang love and life advisor sa radyo.

Reyted K
By RK VillaCorta