Gina Alajar: “Si Krista ang babaeng mahilig pumatol sa may-asawa!” – Pilar Mateo

ADVERTISING

Gina Alajar: “Si Krista ang babaeng mahilig pumatol sa may-asawa!” – Pilar Mateo

Gina Alajar: “Si Krista ang babaeng mahilig pumatol sa may-asawa!” – Pilar MateoSHRIEKS AND SHOUTS! Sa isang banda, maganda rin nga ang serbisyong naibibigay ng Facebook sa mga may account dito. Dahil gaya nga ng sabi ng aktres na si Janice de Belen, she was just thinking out loud nang isulat niya roon ang saloobin para sa dating asawang si John Estrada tungkol sa mga diumano’y dapat na ginagampanan nito sa kanilang mga anak.

ADVERTISING

Hindi naman ito pinasubalian pa ni John nang ibuwelta sa kanya ang tanong, kung totoo nga ba ang inaakusa sa kanya ng kanyang ex-wife. Pero ipinagdiinan lang nito na pagdating sa obligasyon sa kanyang mga anak, lalo na sa pinansyal na usapin, hindi raw siya nagkukulang.

Akala pa naman ng marami nang magkita na sina Janice at John sa celebration ng birthday ng yumaong manager nilang si Tito Dougs (Quijano) eh, okay na ang lahat sa pagitan nila, pero hindi pa pala tapos ang masasabing giyera sa mga nararamdaman pa rin ni Janice sa mister niyang nakatakda ng ikasal sa girlfriend nitong si Priscilla Meirelles!

NAG-THINK ALOUD DIN ang premyadong aktres, direktor at dating misis ni Michael de Mesa na si Gina Alajar sa shoutout nito sa kanyang Facebook account na nagsasaad ng: “If I am Jinkee Pacquiao, I will not give up Manny. Krista Ranillo is not at all worth it!” (posted on Thursday at 5:53 p.m.)

ADVERTISING

At sa nasabing shoutout, maraming mga kaibigan, kakilala at pati na colleagues niya in the business ang nagbigay na rin ng kanilang mga opinion hinggil sa isyung patuloy na pinag-uusapan at sandaling napahinga nang sumalang na sa ring ang Pambansang Kamao para pataubin si Miguel Cotto sa Las Vegas, Nevada, USA noong Linggo ng umaga.

Nang may nagtanong kay Gina sa kanyang shoutout (na obviously eh, nasa ibang bansa) kung sino si Krista, Matapang ang sagot nito.

“Sino si Krista? Siya ang babaeng anak ni Matt Ranillo III na mahilig pumatol sa may asawa…”

Naughty nga ang ibang komento sa nasabing shoutout. Isa pang komento ni Gina: “Naku, may boyfriend naman siya dati at engaged pa nga! Pinag-aral pa siya. Just goes to show that ‘manny’ talks…”

May portion pa na nilinaw ni Gina na hindi naman si Krista ang dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila ni Michael. Nabanggit din noon ni Gina na ang buong pamilya ni Krista eh, nasa Las Vegas. Dagdag pa nito, “Nauna pa sa tunay na asawa.”

Bakit niya nasabi ‘yun sa kanyang shoutout?

“Unsolicited advice to Jinkee. I was in her shoes once. The same STARLET who has no talent at all except in…”

Kinumpirma ng Kumareng Lyn (Ynchausti-Cruz) niya na nasa Las Vegas nga si Krista at pamilya.

Komento uli si Gina: “Bakit kasi puporma pa d’yan eh, nandyan ang tunay na asawa? Kakapalan to the highest level na ‘yan. Nasa’n na kaya ang morals at values nina Matt at Linda?”

The saga will continue once na bumalik dito ang mag-asawang Pacquiao sampu ng kanilang pamilya. Hindi pa natin naririnig ang panig ng lahat, pati na ng pamilya ni Krista. Pero sa pasubali ni Kris Aquino sa The Buzz sa isang text message sa kanya ni Jinkee, sa gagawin nitong pakikipag-usap sa kanyang asawa, mukhang mas magiging ‘madugo’ ito kesa sa inabot ni Cotto sa kanyang katunggali!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING