Gil Cuerva, malaki ang potensyal na sumikat bilang romcom leading man!

ADVERTISING
Gil Cuerva, malaki ang potensyal na sumikat bilang romcom leading man!
Gil Cuerva

GIL CUERVA is a lucky showbiz newbie. Paano ba naman, wala pa siyang one year sa industriya, pero isang malaking project ang ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7 via the Philippine adaptation of the Koreanovela ‘My Love From the Star’. Siya lang naman ang leading man ng Ultimate Star ng Kapuso network na si Jennylyn Mercado. Siya ang masuwerteng nilalang na nakasungkit ng role bilang Matteo, ang alien na maiinlab kay Steffi Chavez (portrayed by Jen).

Hindi maiiwasan na sa umpisa ay marami ang nagdududa sa baguhan. Ang original na bet kasi for the role ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards, pero tinanggihan ito ng aktor dahil hindi pa ready ang AlDub fans na makita si Alden with another leading lady. Hindi naman pwede na ipilit na si Maine Mendoza ang gumanap bilang Steffi dahil para kay Jennylyn lang talaga ‘yun. Eject kung eject!

ADVERTISING

Ang magandang height, Moreno features at pa-mystery na long hair ni Gil siguro ang naging edge nito among the other hopefuls na nag-audition.

Guillermo Ernesto Cuerva sa totoong buhay, this stunner was born on August 21, 1995 at active na rin ito sa modeling scene bago pa pinasok ang showbiz. Kahit pa baguhan, maraming netizens ang kinikilig sa mga eksena nila ni Jennylyn bilang Matteo at Steffi. Aprub din sa mga televiewers kahit pa 8 years ang gap ng magka-loveteam.

Ang nakakatuwa kay Gil ay sakto ang kanyang atake sa kanyang role. Hindi malamya at hindi rin naman OA, na minsan ay ginagawa ng mga baguhang leading man begging for attention. Hindi na kami magtataka kung pagkatapos ng My Love from the Star ay dadagsain ito ng movie offers as a leading man lalo na sa romance-comedy genre. Pwede siyang maging sosyal, purong pinoy at syempre, ALIEN! Hek-hek-hek!  

ADVERTISING
ADVERTISING