Gil Cuerva and Jennylyn Mercado: A Unique Love Connection (sarreh not sarreh!)

ADVERTISING
Gil Cuerva and Jennylyn Mercado: A Unique Love Connection (sarreh not sarreh!)
Gil Cuerva and Jennylyn Mercado

GIL CUERVA

Full Name: Guillermo Ernesto Cuerva

Birthdate: August 21, 1995

Zodiac Sign: Leo

JENNYLYN MERCADO

ADVERTISING

Full Name: Jennylyn Anne Pineda Mercado

Birthdate: May 15, 1987

Zodiac Sign: Taurus

AGE DOESN’T MATTER when it comes to building the right chemistry sa onscreen loveteams. ‘Yan ang napatunayan ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa refreshing na tambalan nila ng baguhang si Gil Cuerva sa Philippine adaptation ng Koreanovelang ‘My Love from the Star’. They play the roles of Steffi and Matteo respectively at in fairness, trending gabi-gabi ang kuwelang tambalan nila, huh!

Alam natin na in real life ay parehong involved ang stars ng programa with their special someone (Dennis Trillo kay Jen and a pretty non-showbiz lady naman kay Gil), pero hindi namin mapigilang mag-isip ng what ifs between Jen and Gil! Game?

Ang pagiging matigas ang ulo ang isa sa common denominator ng Leo at Taurus. Huwag ninyong i-misinterpret ito, ha? Ang ibig sabihin ay kung may gustong makamtan, gagawin nila ang lahat para ma-achieve iyon. Pareho silang determinado at pinaninindigan nila ang bawat desisyon na kanilang ginagawa. Pareho silang bigay-todo sa trabaho at mahal nila ang kanilang propesyon. Maaaring magkaroon ng problema ang dalawa sa kanilang pagkakaiba. Mas open sa tao ang isang Leo kumpara sa Taurus. Hindi magdadalawang-isip ang Leo na ikuwento ang kanyang buhay sa madlang pipol, samantalang mas nanaisin naman ng Taurus na maging pribado ang ilan sa mga personal na kaganapan sa kanyang buhay. Hindi rin mag-aatubiling gumastos ang Taurus sa mga bagay na magpapasaya sa kanya habang ang Leo naman ay magdadalawang-isip pa.

Kahit na may personal differences ang dalawa, ang kanilang pagiging faithful and understanding sa isa’t isa ay hindi matitinag. Kailangan nilang tandaan na hindi nila dapat pagsamantalahan ang kahinaan ng isa. Dapat ding idaan sa mahinahong usapan ang mga bagay-bagay para hindi lumala ang gusot, kung meron man.

Expected na mas maghahanap ng atensiyon ang Leo kaysa sa Taurus. Hindi rin maiiwasan na ang lalaking Leo ang magko-control sa relasyon para mapunan ang kakulangan sa ego nito. Pagdating naman sa romansa ay super ok sila. Naglalagablab sa init ang pagsasamang ito! Game kung game!

Pwedeng-pwede pala talaga ang JenGil! That just proves na age is just a number at chemistry ang importante! Sarrah, we’re not sarreh! Accept na accept ang tambalang ito. Walang Eject!

Pares-Pares

By Madam DaminGil Cuerva and Jennylyn Mercado: A Unique Love Connection (sarreh not sarreh!)

ADVERTISING