Gigo de Guzman kinakausap sa panaginip ni Claire dela Fuente: ‘Happy naman daw po siya’

Leo Bukas
KASAMA si Gigo de Guzman, anak ni Claire dela Fuente sa pelikulang Moonlight Butterfly na nagsusyuting na ngayon sa Angeles, Pampanga. Bida sa pelikula ni Direk Joel Lamangan sina Kit Thomson, Albie Casino at ang baguhang si Christine Bermas.

Inamin ni Gigo na bagama’t ilang buwan na ring wala ang kanyang ina ay nagpaparamdam pa rin daw ito hanggang ngayon sa kanya.

Gigo de Guzman kinakausap sa panaginip ni Claire dela Fuente: ‘Happy naman daw po siya’
Gigo De Guzman and mom Claire dela Fuente
“Sometimes, nagpapakita sa dreams. Happy naman daw po siya,” kuwento niya sa amin.

May mga binibilin din daw sa kanya ang yumaong ina.

 

“Minsan, nagbibilin. Like, nag-aano sa sarili, let go of things na mabigat sa puso. Parang pinagagaan niya ang pakiramdam ko, mga ganu’n,” dagdag pa niya.

Aminado rin si Gigo na biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa sunud-sunod na pagsubok na kanyang kinaharap na nataon pa mismo ngayong pandemic — ang pagkakasangkot sa pagkamatay ng isang flight stewardess at nitong huli nga ay pagpanaw naman ng ina.

“Talagang life-altering na po, eh. Even I cannot quite comprehend what happened. But hindi po ibig sabihin na puwede akong huminto o tumigil. Kailangan po tayong mag-move on and kahit paano, step by step po,” lahad pa niya.

“Ngayon po, hindi po natin masasabi na nakapag-move on na ako completely, pero I’m doing my best, lalo na po kaming magkapatid. Kasi siyempre, hindi po kami…

“Wala pong tutulong sa amin kundi yung sarili namin. Step by step naman po, and we have a very good support system. So, we’re thankful for the big love and support from those who look out for us.

“So far, so good. Okey naman po. Pero siyempre, hindi po naman namin masasabi na fully, completely naka-move on na,” tuluy-tuloy niyang sabi.

Gigo de Guzman kinakausap sa panaginip ni Claire dela Fuente: ‘Happy naman daw po siya’
Gigo De Guzman
Samantala, dati na ring umaarte si Gigo. Naging bahagi siya noon ng  Trumpets bilang stage actor pero hindi dahil hindi masyadong pabor si Claire sa pagpasok niya sa showbiz kaya tinalikuran muna niya ito.

“To be honest po before, medyo… she didn’t want me to enter showbiz. Yun po ang sa umpisa. Pero nu’ng talagang pinakiusapan ko po siya, pinayagan po niya akong mag-acting, here and there po. So, naging supportive na rin po siya. I think she will just be happy na I’m doing what I want.

“Kasi, nanggaling po siya sa showbiz. For her po, yung experience niya, while it was mostly good, there were parts na she also didn’t like. Siyempre, alam naman po natin iyan, nothing is perfect. So, she wanted to protect me from that,” paliwanag ni Gigo.

Ang Moonlight Butterfly ay mula sa produksyon nina Len Carillo at Melanie Uy ng 3:16 Media Networks.