GF ni Freddie Aguilar, nagpahayag ng labis na pagmamahal sa singer

ADVERTISING

GF ni Freddie Aguilar, nagpahayag ng labis na pagmamahal sa singer

Freddie-Aguilar-GFSA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay nagsalita na ang 16-year old girlfriend ni Freddie Aguilar at sinabi nitong mahal na mahal daw niya ang singer.

Kuwento pa niya sa abs-cbn.com, “Mahal ko siya. Wala na akong pakialam kung ano’ng nakaraan niya, kung ano siya. Basta love ko siya, iyon ‘yon.”

Hindi pinangalanan ng website ang babae dahil menor-de-edad pa ito.

Limang buwan pa lang relasyon nila ng Philippine music legend at ikinuwento nito kung paano ba sila nagkakilala ni Ka Freddie sa isang election sortie sa Oriental Mindoro.

ADVERTISING

Sinabi nitong hindi naman daw love at first sight ang kanyang naramdaman sa singer noong una niya itong makita.  Dagdag pa niya, “Actually noong una, hindi eh. Akala ko joke lang ,eh. Kasi nga, ‘di ba, celebrity siya eh. Ta’s ako simpleng tao lang ako do’n. Sabi ko, ‘Joke ba ‘to?”

Noong panahong ‘yun, binigyan daw ni Freddie ang girlfriend ng kanyang calling card. Umabot daw ng ilang araw bago kinontak ng girlfriend si Freddie dahil ang akala daw ng singer ay baka na-misplace nito ang kanyang calling card pero nasa bulsa lang pala ito ng kanyang short. At noong mga panahong ‘yun, hindi raw naisip talaga ng babae na tawagan si Freddie dahil wala naman daw siyang rason para kontakin ito.

To cut the story short, kinontak din niya ang singer. Naging mas malapit pa ang ugnayan ng dalawa hanggang sa ipinagtapat na ni Freddie ang naramdaman niya sa babae sa pamamagitan ng text.

Natatawang sabi ng singer, “Hindi siya sumasagot. Sabi ko, ‘Ayaw siguro.’ So tinext back ko siya, ‘Okay lang naman kung ayaw mo. ‘Di bale na lang.’ Tapos nag-text siya sa’kin, ‘Hindi, busy lang kasi ako.”

Kahit daw palagi naman silang may oras sa isa’t isa, nanatili pa ring palaisipan sa babae ang tanong ng singer.

Dagdag pa niya, “Sabi niya sa akin, ‘Ano, pwede ba kita maging girlfriend?’ Sabi ko naman, ‘Ha? Uh…’ Tapos tumawag siya. Hindi ko alam ang isasagot ko! Tapos pinatay ko, tapos sabi niya, ‘Okay lang naman kung ayaw mo eh, sabihin mo.”

“Tapos, sabi ko, ‘Teka.’ Tapos tinext ko siya ulit. ‘Busy lang ako kanina.’ Tapos text lang ako nang text. Tapos iyon na, doon na nagsimula.”

Inamin naman ni Freddie na hindi niya alam ang totoong edad ng babae nang sila’y magkakilala, pero hindi raw niya maiwasang ma-inlove dito.

Aniya, “Ang naramdaman ko sa kanya, mahal ko siya, kahit pa sabihin mong 16. Ni hindi ko nga naisip na umatras eh. Ang naisip ko lang, ‘Anong magagawa ko, nandito na ‘to eh, na-inlove na ako, eh. Paninindigan ko na ‘to.”

Ang sumunod daw niyang hakbang ay ang lumapit sa mga magulang nito at ipagtapat ang kanilang relasyon dahil alam niya ang importansiya ng basbas ng mga magulang nito lalo at ito ay isa pang minor.

Kuwento pa niya, “Nararapat lang ‘yon, kasi menor de edad siya. Kung ‘di ko ipapaalam ‘yon, pangit ang dating sa magulang niya ‘yon. So sabi ko sa kanya, ‘Babe, paalam natin sa nanay at tatay mo na meron na tayong relasyon. Kailangang malaman nila, at sa ‘tin mismo manggaling, hindi kung saan-saan pa manggaling.”

Pinanindigan ng girlfriend ang naramdaman niya sa singer sa gitna ng mga kritisismo sa kanila na naging hot topic na sa ngayon. Ipinaramdam pa niya rito kung gaano niya kamahal ang singer na nagpasikat sa kantang ‘Anak’.

Dagdag niya, “Sobra, as in. As in mahal ko siya. Hindi ko masabi kung gaano, kasi walag limitasyon ang pag-ibig, eh. Basta mahal ko siya, iyon ‘yun. As in, sobra.”

“Mabait siya. Makulit din. Tapos ‘yung mga mali ko, kino-correct niya. Minsan naiinis ako, ‘Hayaan mo na!’ Pero ‘yun ang maganda sa kanya, kasi tinuturo niya sa akin ang tama. Mahal ko siya do’n, eh.”

Pinag-usapan na din daw nila ang civil wedding pero mas gusto raw niyang sa simbahan sila ikakasal.

Aniya, “Sa simbahan sana, kung pahintulutan kaming makarating doon.”

Sa November 17 ang ika-labimpitong kaarawan ng babae.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING