Gerphil Flores, tinanggihan ang guesting sa show ng Dos

ADVERTISING

Gerphil Flores, tinanggihan ang guesting sa show ng Dos

Gerphil-FloresBINOYKOT NI Gerphil Flores ang Dos. Bilib kami sa Asia’s Got Talent third placer, may guts na tanggihan ang guesting sa Dos. She’s set to appear sana sa ASAP, pero she turned it down. Naloka siguro ang mga taga-Dos. Ang feeling siguro nila ay hindi sila tatanggihan dahil number one network ang Dos at number one Sunday noontime show ang ASAP pero walang katakot-takot na tinanggihan sila ni Gerphil.

Bakit nga naman siya magge-guest sa network na ‘yun kung saan naroroon si Kris Aquino who crushed her dreams when she gave her a thumbs up for her performance sa Pilipinas Got Talent? Kris said na she should sing age appropriate songs at hindi ‘yung classic song na kinanta niya. Tanga ba si Kris? Eh, paano ‘yung mga batang contestant sa The Voice na panay ang kanta ng songs nina Mariah Carey, Whitney Houston, and Celine Dion na parang mga lola na nila. Hindi ba’t hindi naman age appropriate ang mga kanta nina Mariah, Celine, at Whitney sa mga bata? Isip-isip din, Kris, kapag may time, dahil nagmumukha kang tanga sa mga pinagsasabi mo!

Sa TV5 at sa GMA 7 umapir si Gerphil, talagang binoykot niya ang Dos. Ang akala siguro ng mga taga-Dos, porke’t number one sila ay walang makaiisnab sa kanila, puwes nagkamali sila dahil meron, si Gerphil Flores.

 

ADVERTISING

SOLDOUT NA ang concert tonight ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum. Talagang number one pa rin siya sa mga talents ng Dos.

Kaabang-abang ang mga pasabog na production numbers ni Vice. Apat daw na major production numbers ang kanyang gagawin, talagang bonggacious daw ang mga ito. Actually, nag-abono pa nga si Vice dahil mahal ang mga gagawin niyang pasabog na prod numbers.

Nakita namin sa Facebook ang blocking rehearsals ni Vice kasama ang mga hunks. Ka-join din daw sa concert si James Reid at marami pang iba.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING