Gerphil Flores, iniwasan ni Kris Aquino sa show nila ni Boy Abunda?

Gerphil Flores, iniwasan ni Kris Aquino sa show nila ni Boy Abunda?

Gerphil-Flores-Boy-AbundaMUKHANG INIWASAN ni Kris Aquino si Gerphil Flores, ang Pinay grand finalist sa Asia’s Got Talent.

Many are waiting with bated breath ang face off between Kris and Gerphil sa Aquino & Abunda Tonight noong Miyerkules. Sadly, it did not happen, kasi Kris was papuntang Singapore to celebrate the birthday of her son Joshua.

It would have been a perfect scenario kung si Kris ang nag-interview kay Gerphil. But since wala ang Queen of Talk ay si Boy Abunda na lang ang nag-interview sa dalaga.

Gerphil was perceived to be bashed by the Queen of Talk nang sumali siya sa Pilipinas Got Talent years ago. Inilaglag ni Kris ang dalaga sa semi-finals nang piliin nito si Sherwin over her.

As shown in the Youtube video na umingay uli nang makapasok si Gerphil sa Asia’s Got Talent, pinagsabihan siya ni Kris na kumanta ng age appropriate songs. Apparently, turn off na turn off si Kris sa classical  song na inawit ng dalaga. Gerphil was crying at talaga namang marami ang naantig ang damdamin sa kanya.

Now, when she joined Asia’s Got Talent, naging katawa-tawa si Kris dahil wala ni isa man sa judges ang nagsabing she should sing age appropriate songs. Well appreciated na siya at na-impress nga si David Foster kaya naman pinindot nito ang golden buzzer para makatuntong kaagad sa semi-finals ang dalaga.

 

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas