Gerphil Flores, gustong matigil ang issue sa kanila nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas

Gerphil Flores, gustong matigil ang issue sa kanila nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas

Gerphil-FloresGUSTO NG isa sa naging finalist sa Asia’s Got talent na si Gerphil Flores matigil na ang issue tungkol sa kanilang tatlo nina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino. Sumali rin kasi siya dati sa Pilipinas Got Talent, kung saan hindi siya umabot sa grand finals. Nag-no kasi sina Ai-Ai at Kris. Tanging ang ikatlong judge na si Freddie Garcia ang nag-yes para sa kanya.

“Paulit-ulit ko nga pong sinasabi sa media. Sabi ko… wala po akong sama ng loob kay Ms. Kris (Aquino) at saka kay Ms. Ai-Ai,” aniya nga nang makausap namin sa Sunday All Stars noong Linggo.

“Tapos ‘yong mga comments, ‘yong mga bashers… nanggagaling sa mga followers. Ganyan. ‘Yong iba, hindi ko naman kakilala. At wala akong kinalaman. Ang sinasabi ko po sa kanila (mga bashers), alam ko na sila (Ai Ai and kris) bilang mga hurado, meron silang karapatan na magbigay ng sarili nilang komento tungkol sa performance dati ng mga contestants sa Pilipinas Got Talent. At inirerespeto ko ‘yon. In fact ang dami-dami kong natutunan sa Journey ko sa Pilipinas Got Talent. Sabi ko… hindi ko pa siguro panahon. Hindi ko pa ‘yon time kaya gano’n.”

Kapuso star na ngayon si Ai-Ai. If ever, ok sa kanya na makatrabaho ito?

“Yes! Definitely. Alam mo isa ‘yan sa mga pinapanood kong actress. Ang bait-bait niya at nakikita ko na she’s very down to earth. Sabi ko nga, kung magkakaroon kami ng chance na mag-meet, I will grab the opportunity. Para rin matigil na ‘yong isyu na baka may sama ako ng loob sa kanila (ni Kris).”

Kaugnay naman ng pagkakaroon nila ng duet ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, dream come true raw ito para kay Gerphil.

“Siyempre… Ms. Regine Velasquez! At sabi ko nga… ang dami-daming na-contribute ni Ms. Regine sa music industry. Actually hindi lang dito sa Philippines. Sa buong Asya. Kaya nga siya Asia’s Songbird. Dream ko na talagang maka-duet siya. And it happened!” nangiting sabi pa ni Gerphil.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan