German Moreno, pinayuhan si Aljur Abrenica

ADVERTISING

German Moreno, pinayuhan si Aljur Abrenica

German-Moreno-Aljur-AbrenicaNAKAUSAP NG Master Showman himself German Moreno si Aljur Abrenica last Sunday sa Sunday All Stars kaugnay sa isyung kinasasangkutan nito at ng GMA 7.

“Kinausap ko bilang tatay-tatayan niya rin sa industriya na if may nag-uudyuk sa kanya, sana pag-aralan muna niya at pag-isipan niya kung maganda ba ito o may maidudulot na maganda sa kanya.

“Sinabi ko sa kanya kung saan ba siya nagsimula, ‘di ba rito sa GMA 7? Ang Kapuso Network ang nag-alaga sa kanya nu’ng nagsisimula pa lang at ngayon nga na may pangalan na siya.

“Ilang taon na ba siya rito? ‘Di ba matagal na? At sa mga taong naririto siya, lagi naman siyang may magandang projects na ibinibigay sa kanya ng network. At lahat ‘yun bida siya.

ADVERTISING

“Kaya nga sabi ko sa kanya na nakalulungkot na isipin na sa tinagal-tagal na niya sa GMA, ngayon pa na kapipirma pa lang niya, tsaka naman gusto niyang magpa-release.

“Kung merong problema, maso-solve ‘yan basta pag-usapan lang nang maayos. ‘Wag ‘yung bigla na lang magagalit at magdedesiyon nang ganu’n-ganu’n na lamang.

“At ‘wag pasusulsol kahit kanino, kasi ‘di mo naman alam kung tama ba ‘yun o hindi. Dapat pinag-iisipan muna, kasi siya ang nakataya rdito, hindi naman ‘yung mga taong nanunulsol sa kanya. Sapagaka’t ikaw ‘yung may katawan, kung ayaw mo ang isang proyekto, puwede kang magsalita in a nice way.

“Kaya ako nandidito lang, if sabihin niya na gusto na niyang makipag-usap nang matapos na kung ano man ang problema niya sa GMA 7,” pagtatapos ni Kuya Germs.

 

JDC Collections bumida sa Pilipinas Men’s Fashion Week!

Goodvibes

NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na Pilipinas Men’s Fashion Week (Fall Season) na ginanap sa Midtown Atrium, Robinson’s Place Manila last July 12 to 13, 2014 kung saan ibinida ng JDC (Jovan Dela Cruz) Collections ang kanilang naggagandahang kasuotang panlalaki with Mark Dela Pena Collections, Dave Ocampo Collections, Levenson Rodriguez Collections and Nico Agustin Collections. Styling by Yvonne Camay of PGM Fashion, accessories by Benjo Camay, hair and make-up by Pamm Merrera of Make-Up Forever, shoes by Nere Ku at sa pakikipagtulungan nina Ahleks Fusilero, Royal Kalel, Charles Orendain, at Mebula Gang.

Inirampa ng grupong GOODVIBES na regular na napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman at Everyday Happy ng GMA 7 na sina JD Luciano, Earl Valera, Justine Gervacio, Yosef Lagua, Jun Dela Cruz, Nico Agustin, JC Juco, Gene Lay, Khyle Blanco at ng guwapitong model/actor na si Joshua Luna ang uso ngayong contemporary fit hooded blazers with matching lines and printed floral.

Ilan sa mga artistang nagsusuot at nakapagsuot na ng JDC Collections ang mga sikat na celebrities na sina German Moreno, Daniel Padilla, Xian Lim, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, Hiro Magalona Peralta, Ryan Bang, Richard Guttierez, Raymond Guttierez, Ken Chan, Benjamin De Guzman, John Nite at ang boys ng PBB All In, atbp.

 

Damong Ligaw (Lost Soul), napapanahong pelikula

 Damong-Ligaw

ISANG NAPAPANAHONG indie film ang dapat abangan ng mga manonood ngayong Agosto at ito ay ang Damong Ligaw (Lost Soul) na hatid ng E-Men Productions sa pakikipagtulungan ng GAV Films at sa mahusay na direksiyon ni GA Villafuerte.

Pinagbibidahan ito nina Ace Toledo, Elona Mendoza, JM Martinez, Mia Henarez, Brenda Mage, Adrian Rivera, at John Relucio. Ipinakikilala sina Jake Adona, Lianne Castro at RJ Rodrigo.

Sa panulat ni Glenn Anthony Villafuerte, Director of Photography – Kim Jeffrey Tapia and Aaron Cabangis; Make-Up – Brenda Mage; Wardrobe – Hazel Mae Acuemo; Production Assistant – Jeremy Troy Punzalan; Assistant Director/ Photos -Jojo Pollack; Editor – Shaun Bryant; Production Manager/Executive Producer – Elona Mendoza.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING