German Moreno, nakare-recover na sa mild stroke

German Moreno, nakare-recover na sa mild stroke

German-MorenoNAKARE-RECOVER NA raw and nag-iisang Master Showman na si Kuya Germs mula sa mild stroke at nagpapahinga na lamang.
Maalalang hindi na nagawa pang makapag-radio last Friday ng nag-iisang Master Showman dahil dinala ito ng kanyang anak na si Federico Moreno sa St. Luke’s Medical Center dahil na-mild stroke ito.
Ayon nga sa post ni Federico sa kanyang Facebook account, “His right leg is at 50% mobility. 0% on his right arm and a bit slurry on his speech.”
Nakikiusap din ito sa lahat ng nagmamahal kay Kuya Germs na ipagdasal ang kanyang ama. “We humbly ask for your prayers for his quick recovery. Pls pray for Papa.”
Pero pinost din nito sa kanyang FB na, “Don’t worry, he’s OK.
“It’s just that he cannot entertain any calls nor guests for the coming days. Hope you pray for the past recovery of my dad.”
Sa ngayon ay hindi pa tumatanggap ng kahit ano mang tawag o text ang Master Showman dahil kailangan nitong magpahinga para mas mapadali ang paggaling nito.

Sheryl-CruzSheryl Cruz, pinasaya ang mga tagahanga

SOBRANG KASIYAHAN ang naidulot ni Sheryl Cruz sa kanyang mga tagahanga nang bigyan nito ng isang get-together bonding at Christmas Party last Dec. 27, 2014 na ginanap sa Max’s Restaurant sa Quezon Ave., Quezon City sa pangunguna nina Bradley Guevarra, Miracle Cruz, Anel Quico, Ruth Ruquilla, at Jun Evalobar.
Present ang mga Sherylnatics at Sherylians mula pa noong nagsisimula siya bilang teen star na sobrang saya nang makita muli ang kanilang idolo na hanggang ngayon ay nandyan pa rin.
At kahit nga may kanya-kanyang trabaho na ang mga fans ni Sheryl, 100% pa rin ang suporta ng mga ito kay Sheryl. Bukod sa surprise gift ay merong palaro at Sheryl Christmas card contest.

 

Joel-CruzJoel Cruz, nagmistang Santa Claus sa kanyang mga trabahador

PABOLOSANG CHRISTMAS Party ang inihatid ng Lord of Scents na si Mr. Joel Cruz last Dec. 29, 2014 sa kanyang mga trabahador na ginanap sa Jade Valley, QC na may temang national costumes, sa pangunguna niya at ng kanyang twins na sina Prince at Princess na pare-parehong bongga ang costumes.
Rumampa ang mga staff ni Sir Joel sa kanilang national costume, habang nagpaligsahan naman sa kani-kanilang production number ang bawat departamento ng Aficionado Germany Perfume/Joel Cruz Signatures.
Nagsilbing special guest maman at umawit si Musica at ang Internet sensation na grupong UPGRADE at bumati naman ang mga Walang Tulugan mainstay na sina Kate Lapuz at Joshua Joffe.
Limpak-limpak na salapi ang napanalunan ng mga nagwaging Best Costumes at Best Production Numbers at maging sa raffle draws ay umulan ng cash at appliances.

John’s Point
by John Fontanilla